Kartilya ng Katipunan, Aral Blg. 1 (K1)

"ANG BUHAY NA HINDI GINUGUGOL SA ISANG MALAKI AT BANAL NA KADAHILANAN AY KAHOY NA WALANG LILIM, KUNDI (man) DAMONG MAKAMANDAG."

"A life that is not dedicated to a noble cause is like a tree without a shade or a poisonous weed."

(Translated by the late Paula Carolina S. Malay)

(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom. We seek your responses.)


K1-15: : "Kaya ko ito napili, dahil alam ko na hindi natin dapat sayangin ang ating buhay at binuhay tayo ng Diyos para maipagtanggol ang ating bansa sa masasamang mananakop. Hindi ko kailangang sayangin ang aking buhay sa masamang bagay ginagamit ko ito sa mabuti.

-- Angeline P. Dillera, FEU Elementary School

K1-14: Sinasabi sa pangungusap ang ginugol sa walang kwentang bagay ay walang kwenta. May kasabihan na "Isa lang ang buhay kayat wag nang sayangin" kaya habang maaga pa ay wag mong gugulin sa walang kwentang bagay ang iyong buhay hanggat may panahon ay baguhin mo na ang buhay mong walang kwenta. Ito ay napili ko dahil ginugugol ko ang aking buhay sa walang kabuluhan o walang kwentang bagay.

--Ma. Nenita V. Jose, 882 E. Pantaleon St. Mandaluyong City

K1-13: Napili ko ang aral na ito dahil nagpaalala ito sa naging buhay ko noong second year highschool ako hanggang ngayong fourth year na ako. Tunay nga na magandang igugol mo ang buhay mo sa isang malaki at banal na kadahilanan dahil ito ang magiging batayan o sukat sa katayuan ng buhay mo. Lalo na kung ang buhay mo ang iginugol mo sa Panginoon. Wala akong pinagsisihan mula nang maging parte ako nang isang samahan. Dito, talagang naging makabuluhan ang buhay ko at labis akong nasisiyahan wala akong pinagsisihan sa paggugol ko nang malaki at banal na paggawa sa kanya. Wala akong lungkot na nararamdaman at naranasan nang piliin ko ang buhay na makabuluhan sa piling ng ama at ng kaisa-isa niyang anak. Aral na ito ay hindi ko malilimutan at patuloy kong isasabuhay dahil sa kahulugan nito, ang nagpapaalala sa akin at patuloy na nagiging daan sa buhay na puno ng kaligayahan sa piling ng Maykapal.

--Carolyn F. Lanuzo, 7 Mayor Tanyag Ave. Zone 6, Signal Vill. Taguig, Metro Manila

K1-12: Sa panahon natin na maraming maralita kinakailangan natin igugol ang ating buhay kabanalan upang tayo ay maging isang punong magbibigay lilim sa mga taong naiinitan na ang mga kahirapan na kanilang diranas sa pagpapahirap ng taong mangaapi lalo sa ating government na patuloy na naging isang damong makamandag sa gitna ng luntiang palayan na di magtatagal ay unti unti nitong sisirain ang mala luntiang Palayan. Kung kayat para sa amin nararapat na ang ang ating buhay kabanalan ay ialay natin sa ating mga kapatid na maralita. Gawin natin na isa tayo sa sanga ng puno na nagbibigay lilim sa ating kapwa. "Pag tayo ay nawalay kay Kristo para tayong sanga na nawalay sa puno".

--Bong Elison

K1-11: Ito ang aking napili dahil naniniwala ako na ang aking buhay ay inihandog ng Poong Maykapal na siyang tunay na banal at matuwid kaya't nararapat lamang na ang bugtong na handog na ito ay aking igugol sa mga bagay na pawang mabuti at kapakipakinabang para sa lahat ayon sa kalooban ng Ama. Kaya nga't ako, kahit gaano kahirap ay nagsusumikap upang ako'y magkaroon ng kabuluhan sa mundong ito.

--Octaviano, Rodolfo, 21-A Kaya Barangka, Mandaluyong City

K1-10: Ako bilang isang tao ay makasalanan din at sa tingin ko ito ang tamang panahon para unti-unti kong mapabago ang aking sarili. Ang buhay ay maikukumpara sa isang puno na kapag puro kabutihan ang iniaaalay at minamahal ng mga nagaalaga sa kanya ay magbubunga ng matatamis na prutas. Kaya ito ang napili ko ay dahil mahirap para sa 'kin ang gawin ito. Ang igugol ang aking panahon para sa kapwa ko, sa Diyos instead na nagsasaya na lang ako at pa "easy-easy" tayo, ako, ikaw, nilalang ng Diyos para mahalin mo Siya ang kapwa natin. Kailangan kong maging malapit sa Diyos upang mabigyang katuparan ang aking pagpapahayag sa ngayon. Upang mapanindigan ang bawat salitang lumabas sa tinta ng ballpen ni Janice P., na ipinaguutos ng aking isip at puso at mabigyang patnubay ng Diyos ang bawat landas na aking tinatahak. Sana, tulad ng iba'y, maisagawa ko ito at maisabuhay sa habang panahon, sa ngalan ng Diyos Ama.

--Desiree Anne Jones 15 yrs. old, 28 A Mabini St. Mandaluyong City

K1-9: Ang buhay na ibinigay sa atin ng Panginoon ay dapat nating gawing makabuluhan. Ito ay sa pamamagitan ng paglaan natin ng halos lahat ng ating oras sa paggawa ng mabuti sa kapwa at sa pagsisilbi sa Panginoon. Sapagkat kung ang buhay natin ay walang direksyon at puro kamalian ang ating ginagawa maaari na nating sabihing tayo'y patay at walang silbing mga nilalang.

--Mary Margaret H. Barrameoa, 15 yrs. old, 256 Talumpong St. Mandaluyong City   Province: Iriga, Camarines Sur

K1-8: Kung ang ating buhay ay hindi natin ginugugol sa mabuti at produktibong paraan, magmimistula tayong isang taong walang buhay at walang saysay. Kaya't dapat nating pahalagahan ang ating buhay at gugulin ito sa malaki at banal na kadahilanan upang maging karapat dapat tayo sa buhay na ibinigay sa atin ng Diyos. Napili ko ito dahil minsa'y lumilipas ang isang araw na wala akong nagagawang makabuluhan at ngayon ay gagawin ko nang makabuluhan ang bawat oras ko.

--Coralyn M. Peralta 13 yrs. old NCR

K1-7: Ang buhay o kayamanan na hindi pinaghirapan o kaya galing sa masama ay madali rin babawiin sa iyo ng Panginoon at balang araw babalik sayo ang kasamaang iyong ginagawa.

--Ariel M. Manongdo, 14 yrs. old Address: EP Village Blk 10 Lot 40 Phase 1 Taguig M.Mla.

K1-6: Ito ang napili ko dahil naniniwala ako na isang beses lang tayo mabubuhay sa mundo. Kaya yung buhay ko gusto kong maging makabuluhan. Gusto kong magamit ang oras at panahon ko hindi lamang para sa sarili ko kundi pati na rin sa kapwa ko. Kasi ayaw kong maihambing sa kahoy na walang lilim o di kaya sa damong makamandag. Kaya kahit na mawala kaagad ako sa mundo magiging masaya ako dahil alam ko na may nagawa akong makabuluhan sa mundo.

--Laila Najera, 202 P. Victorino St. Mandaluyong City

K1-5: Kung ang isang tao ay may kumpletong bahagi ng katawan at walang kulang, na maaaring magawa ang lahat ngunit hindi naman niya ito nagagamit ay nakapanghihinayang. Sapagkat hindi niya ito ginagamit upang maging isang produktibo at mabuting tao. Siya ay walang silbi, tulad niya ang isang kahoy na nabubulok at walang lilim. At higit sa lahat ay matulad sa isang paralisado.

--Abigail C. de los Santos, Santol,  Boac, Marinduque

K1-4: Ang isang tao ay masasabing hindi kailanman nabuhay ng ayon sa kalooban ng Diyos. Kung umiwas lamang siya sa tukso at takot magkasala ay wala pa rin itong kabakihan. Ang mahalaga ay ang makisalamuha tayo sa iba't-ibang uri ng tao at makaiwas tayo sa kasalanan nang malaman natin na mali ang kanilang ginagawa. Sa ganitong paraan, tayo ay tutubo at unti-unting lalago hindi tulad ng isang puno na walang lilim isang taong masasabing may buhay pa ngunit wala nang kalakwa.

--Clyde C. Ayura 16 yrs. old   536 Vicente Fabella St. Mandaluyong City   Province: Quezon Province

K1-3: Kaya ko napili ito sa dahilang naniniwala po ako dito, totoo po na ang isang tao ay walang kasiyahan, dahil ang pangunahin at pinakanararapat nating gawin sa ibabaw ng mundo ay ang pagmamahal sa Diyos ng higit sa lahat at pati na rin ang pagmamahal sa kapwa kagaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili sa dahilang tayo at ang ating kapwa ay nilikha na ating Diyos. Ang isang tao ay parang kahoy, puno na walang lilim at damong makamandag dahil kung naging tao naman ito ay itinuturing na walang pagmamahal at pananalig sa Diyos dahil Siya ay di na patnubayan dahil sa hindi pagdarasal. Ang malaking kaugnayan nito sa aking sarili ay kapag ako ay nananalig sa Diyos araw-araw. Ginagabayan Niya ako sa aking mga pagsusulit sa aming eskwelahan, tinutulungan Niya akong alisin na paunti-unti ang masama kong ugali at masarap ang magiging pakiramdam pagkatapos ng pananalig dahil sa tingin ko ay napatawad Niya ako sa aking mga kasalanan at may pinagsasabihgan ako ng aking mga problema. Noong panahon na hindi ako nananalig sa kanya, araw-araw ay hindi masaya ang aking pakiramdam, nadaragdagan pa lalo ang aking mga pagkakasala at marami pang iba.

--Ma. Cristina Q. Santos Blk. 2 Lot 20 Brgy. San Andres Manggahan Floodway Cainta, Rizal

K1-2: Ito ang napili ko dahil minsan lang tayong mabuhay sa mundong ito, kayat dapat gugulin ito sa tamang pagpapahalaga at kung ito'y hindi pinahalagahan, tulad ito ng isang punong buhay na walang halaga na may makamandag dahil sa isang taong magulo walang direksyon ang buhay.

--JackieLou G. Solancho 39 A Karilagan St. Saint Joseph Dona Damiana Village, Pasig City

K1-1: "Ibig sabihin nito na ang buhay ay isang napakagandang biyaya sa atin ng ating mahal na Panginoon kaya kinakailangan na gamitin natin sa isang makabuluhang bagay na magdudulot sa atin ng kabutihan at pati na rin sa iyong kapwa. Katulad ng ating mga ninuno na ibinuwis ang kanilang buhay para sa kapakanan ng ating Inang Bayan at para na rin sa Sambayanang Pilipino datapwat ang ilan sa mga ito'y nangahintakutang lumaban, ngunit tumulong rin ang mga ito sa paggamot sa mga Pilipinong sugatan. Lalung-lalo na si Rizal na naging huwaran sa bawat isa sa atin. Ipinamalas ang katapangan hindi sa marahas na paraan kundi sa demokratikong pamamaraan, ang pagsulat.

--Allan Bert Castro, 1274 Velasco Ave., Manggahan, Pasig City, 15 years old   Province: San Carlos City, Pangasinan


..

 

Please participate in 'Sanib-Sinag' (synergy of minds), through

'CYBER TALK-BACK' in selected SanibLakas webpages:

(Webmaster will mount your response in the appropriate page in this particular site.)

<SANIBLAKAS CYBERSERVICES is a special services project of SanibLakas Foundation>

 

 Ano naman ang sarili mong tugon sa aral na ito, kung mayroon?

Pangalan mo at palayaw::

Posisyon: 
Organisasyon, Opisina, Skwela o Barangay:
Mailing Address, E-mail Address, Fax No. & iba pang contact numbers:

 background na personal  (may kinalaman sa tugon):

Ipadala sa WEBMASTER -->

<< balik sa website opening window       balik sa Kartilya Forum opening window >>