Kartilya ng Katipunan, Aral Blg. 10 (K3)"SA DAANG MATINIK ANG BUHAY, LALAKI ANG SIYANG PATNUGOT NG ASAWA AT MGA ANAK; KUNG ANG UMAAKAY AY TUNGO SA SAMA, ANG PAGTUTUNGUHAN NG INAAKAY AY KASAMAAN DIN." (Ang simula nito'y obserbasyon sa ugnayan ng babae at lalaki sa panahon ng Katipunan; para sa kasalukuyan, iminumungkahing ipalit ang sumusunod: "Sa daang matinik ng buhay, ang mga magulang ang patnugot ng mag-anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.")"In the thorny path of life, the man leads the way and his wife and children follow. If the leader goes the way of perdition, so do the followers." (Translated by the late Paula Carolina S. Malay) |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom. We seek your responses.)
K10-3: Anumang mga bagay na nakikita ng isang anak sa kanyang ama o ina ay siyang batayan ng kanyang kinabukasan. Ang mga ito ay salamin ng kanyang gawi at kilos sa bagong mundo ng kanyang nakatakdang tuklasin at hanapin.
-- Jigger Agcaoli, 4801 Ang Buhay St. V. Mapa Sta. Mesa Manila, 16 yrs. old.
K10-2: Napili ko ito sapagkat sa aking pamilya ay may nangyari na ring ganito. Dahil sa ang aking ama ay tila naliligaw ng landas. Mas inuuna pa niya ang kanyang mga bisyo kaysa sa amin at sa Diyos. Dahil dito kamuntikan na rin akong mapasama sapagkat gusto ko nang mag rebelde dahil sa kanyang ginagawa.
-- Daryl B. Tuazon, L-46 Bldg. 2 Sambahayan Condominium Sacrifante St. Mandaluyong City, 16 yrs. old.
K10-1: Ito ang napili ko dahil sa buhay natin ngayon maraming tao na ang naliligaw ng landas, dahil sa mga gumagabay sa kanila. Maraming kabataan ang nagnanakaw, nanggagahasa at pumatay dahil na rin sa gawain ng kanilang ama. Marami rin sa kabataan ang umiinom ng alak, naninigarilyo, nagdrodroga at nambababae dahil na rin sa gawi ng mga magulang. Katulad na rin ako, natuto akong uminom ng alak, manuntok sa mga kapatid dahil iyon din ang ginagawa ng ama ko. Ito ang napili ko dahil pag ito ang isinasabuhay ko magiging disiplinado ang mga anak ko sa pagdating ng panahon.
-- Stephen Lloyd M. Esquejo, 31 P. Oliveros St. Mandaluyong
City, 15 yrs. old
..
|
|
<< balik sa website opening window balik sa Kartilya Forum opening window >>