Kartilya ng Katipunan, Aral Blg. 11 (K11)

"ANG BABAE AY HUWAG MONG TINGNANG ISANG BAGAY NA LIBANGAN LAMANG, KUNDI ISANG KATUWANG AT KARAMAY (ng lalaki) SA MGA KAHIRAPAN NITONG BUHAY; GAMITIN MO NANG BUONG PAGPIPITAGAN ANG KANYANG (pisikal na) KAHINAAN, AT ALALAHANIN ANG INANG PINAGBUHATAN AT NAG-IWI SA IYONG KASANGGULAN."

"Never regard a woman as an object for you to trifle with; rather you should consider her as a partner and helpmate. Give proper considerations to a woman's (physical) frailty and never forget that your own mother, who brought you forth and nurtured you from infancy, is herself such a person."

(Translated by the late Paula Carolina S. Malay)

(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom. We seek your responses.)


K11-23: KBehind the success of every man is a woman. It is the woman or the mother who is the light of a home. Although physically weak, women are emotionally stronger than men. And what is a family without a mother?

-- Raquel Patas

K11-22: We must respect, protect and love women like our beloved country.

-- Ramon Cesar Pernitez, Cebu Dry Goods, Cebu City

K11-21: I believe that women are not just objects or possessions but rather are partners! They should have the opportunity to be effective partners of men in building a strong foundation for development. Gender and development advocates know this.

-- Reynaldo B. Jacalan

K11-20: Ang babae ay dapat igalang na tulad ng paggalang sa inyong ina. Halimbawa, mali na ginagawang modelo sa commercial drink na hindi naman kailangan sa advertisement na inumin at halos nakahubad pa.

-- G. Fernandez

K11-19: This gives importance to women as partners in life. I have my mother, my sister, my wife and my lovely daughter to love as they love me, the way the Lord wants us to be.

-- "Ali"

K11-18: It is about time that we break the sexual barrier in order for us to live harmoniously and be prolific. We really have to acknowledge and respect the women. It is interesting and happy to note that the Katipunan respected the rights of women.

-- Josette Villaflores

K11-17: Women should be equally treated as men. Women are gifts from God that from her womb originates the fetus of a child. Nowadays women can even exceed the capabilities of men.

-- Ilona F. Media, TACECCO

K11-16: A man and a woman, more specially a husband and a wife must be equal, for richer or poorer, in sickness and in health, etc. till death do they part.

-- G. A. Lopena, Bohol Diocesan MPC, Tagbilaran, Bohol

K11-15: Nowadays, wife-battering and child abuse are rampant. Women should be treated equally to men, as human beings created by God.

-- Elizabeth G. Gabutin, Iluad Con MPC, Iluad, Cebu City

K11-14: Every human being has equal rights.

-- Bebing Fernandez, KMC MRC, Negros Occidental

K11-13: Gagamitin ko ang aral na ito sa lahat ng bagay na aking gagawin, lalo na at ako'y babae at nasasaktan din kapag ang babae ay ginagawang libangan at laruan. Dapat ang babae ay igalang at bigyang-kabuhayan.

-- Setche A. Adlawan

K11-12: Marami sa ating mga tao lalo sa mga lalake ang mapaglaro at hindi kuntento sa isa. Ang mga babae ay ginagawa nating kasangkapan sa buhay. Dapat sa kanila ay alagaan at igalang, sapagkat sila ang magiging katuwang natin sa buhay. Huwag natin sirain ang kanilang kahinaan bagkus ay dapat bantayan.

-- Michael M. Fernandez, 278 Dama de Noche St. Ayala Housing Mandaluyong City

K11-11: Ang babae ay mahalaga ang nagagawa na katulad ng lalake. Kaya dapat nating respetuhin, alalahanin at higit sa lahat ay mahalin katulad ng pagmamahal natin sa ating mga inang nagluwal at nag-aruga sa atin.

-- Elena M. Mendoza, 13 Hilaga St. Barangka Drive, Mandaluyong City 1550

K11-10: Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa totoong pagmamahal sa babae. Dapat nating alalahanin na ang babae ay kapwa din natin. Igalang natin ang babae, gawing kasama sa hirap at ginhawa, ipagmalaki mo siya at gawing katuwang, karamay sa pagiging isang mabuting Pilipino, mabuting mamamayan at mabuting tao sa harap ng Diyos. Huwag kang magkaroon ng marami, makontento sa isa, mahalin ito na parang isang mamamahaling ginto na magiging malaking yaman sa hinaharap at ng hindi parang isang putik at laruan na pagamit lamang.

-- Jonathan L. Vizconde, 15 yrs. old Address: Sta. Rita Bulacan

K11-9: Sa aking pagkaka intindi ang ibig sabihin nito ay bigyan rin natin ng halaga ang mga kababaihan at ang mga babae ay maaari rin nating maging katuwang o katulong sa mga problemang kinakaharap natin sa ngayon. At sana'y di paglaruan o gawin libangan sila sapagkat may mga damdamin rin at kung kaya ng lalaki, kaya rin ng mga babae.

-- Carina Q. Balagtas, 721 Coronado St. Hulo Mandaluyong City

K11-8: Napili ko ito dahil sa ang babae ay isang gabay ng lalaki sa landas na kanyang tatahakin; na sa bawat tagumpay ng isang lalaki ay may isang babaing nasa likod nito, umaakbay, gumagabay, sumusuporta at nagtatanggol sa gawain nito. Di marapat na ilagay lamang ito sa isang tabi na gaya ng basahan ito ay ingatan at mahalin na gaya ng iyong sarili.

-- Carolyn E. Oraaon, 16 yrs. old, 243 A. Bonifacio St. Mandaluyong City

K11-7: Ang ibig sabihin nito kung ang mag-asawa ay nagsasama hindi lamang dapat puro sarap ang kanilang iisipin. Lalong lalo na sa pagnanasa ng laman. Kundi sa bawat sandali ng kanilang pagsasama sila ay nagtutulungan sa hirap at ginhawa. At hindi lamang ang babae ang gagawa sa anumang oras sa gawaing bahay o paghahanap buhay man. Kundi katulong niya ang kanyang asawa. Kaya sinasabing hindi lamang libangan ang isang babae dahil hindi naman siya laruan na kapag pinagsawaan ay iiwan at lilipat ng iba. Kailangan din niyang isipin na ang nagluwal sa kanya at nag hirap ay ang kanyang ina. Dahil ang kanyang ina, sa simula palang na ipinagbuntis siya ay dala dala na siya sa sinapupunan. At kahit hirap na hirap na ay nagpapatuloy parin dahil siya'y mahal ng kanyang ina.

-- Maribel A. Baylon, 26 Santan St. Kalawaan, Pasig City

K11-6: Bakit sa ngayo'y waring laruang manyika na lamang ang isang babae? Isang manikang sa una'y bago at maganda kung kaya't laging hawak at ipinagyayabang ng bata sa kanyang mga kalaro ngunit sa paglipas ng panahon, nang maging luma at waring basahan ay ipinag walang bahala na ng may ari. Ganoon nga ba talaga ang dapat na tingin sa aming mga kababaihan? Kaming mga babae... na bagamat mahihina ay wagas kung magmahal. Kaming mga babae... na nagiging ina't nagluluwal ng bagong pag-asa sa mundo. OO... kaming mga babae.

-- Raquel S. Tablan, FFR No. 4 Hulo Coronado Condominium, Mandaluyong City

K11-5: Napili ko ito sapagkat di lingid sa atin na nilikha ng Diyos ang babae at lalake na magkatuwang at magkaramay sa lahat ng bagay. Ngunit mapapansin natin na ang mga kalalakihan ngayon ay wala ng paggalang sa mga kababaihan na kung saan kinakatakutan ngayon ang mga lalake dahilan sa maraming pagbabago ang nagaganap. Ako bilang babae ay may karapatan sa mga nangyayari sa aking kapwa kababaihan, mga krimen na pulos babae ang pinapatay at inaabuso ay hindi na dapat palampasin. Bigyan natin ng pagkakataon ang bawat isa sa atin na makapag isip ng makabagong kamalayan upang maiwaksi ito. Maging isa tayong modelo sa iba. Ang mga lalaking pinagtiwalaan na siyang umabuso sa iyo. Lalake, lumingon ka at tignan kung sino ang nagluwal sa iyo. Di ba't isang naghihirap na babae para lamang ikaw ay mabuhay. Ngunit nalalaman mo ba ang iyong ginagawa? Ikaw ay naliligaw, tulungan mong hanapin ang iyong sarili bago ka tuluyang maligaw.

-- April Mirano, 719 P. Gomez St. Mandaluyong City

K11-4: Napili ko ito dahil sa ang babae ay isang gabay ng lalaki sa landas na kanyang tatahakin; na sa bawat tagumpay ng isang lalaki ay may isang babaeng nasa likod nito, umaakay, gumagabay, sumusuporta at nagtatanggol sa gawain nito. Di marapat na ilagay lamang ito sa isang tabi na gaya ng iyong sarili.

-- Coralyn Oracion, 16 yrs. old, 243 A. Bonifacio St. Mandaluyong City

K11-3: May mga pagkakataon talaga na madali akong humanga sa isang babae. Merong mga pagkakataon na hanggang paghanga lang. Pero mayroon din na iba na ang nararamdaman ko. Para bang na- inlove ako ng todo sa kanya. Kahit na tatlong taon ang agwat ng edad ko sa kanya. Sumulat nga ako ng tatlong beses pero hindi niya sinagot ang pangatlo ay sinabi ko nang mahal ko siya. Kung bibigyan niya lang sana ako ng pagkakataon ay patutunayan ko sa kanya na totoong mahal na mahal ko siya.

-- Justine P. Cruz, 15 yrs. old, 305 R. Aquino St. Mandaluyong City

K11-2: Kaya ito ang pinili ko ay dahil sa ito'y may malaking epekto sa akin, sa pagkat ako'y isang babae pero hindi sa dahilang ito kundi nakikita ko ang nangyayari sa mga kababaihan ngayon. Wari'y isang laruan na kapag pinagsawaan ay basta't itatapon na lamang, ito'y napakasakit sa isang babae. Lalo na kung ibinigay mo na ang iyong puso't kaluluwa, at pagkatapos linlangin dahil lamang sa isang makamundong pagnanasa, nasira nag kinabukasa. Ang babae nilikha ng Diyos bilang katuwang ng lalake, sa hirap at ginhawa.

-- Wilhesmina Cosip

K11-1: Ang mga babae ay hindi isang manyikang laruan na gagamitin lamang kung kailangan at pagkatapos ay itatapon kung kailangan at pagkatapos ay itatapon kapag pinagsawaan. Ang mga babae ay minamahal at inaalagaan ng kanyang asawa. Hindi binubugbog at pinapatay. Isiping ang mga babae ang iyong inang nagdala sa iyo sa kanyang sinapupunan ng siyam na buwan. Dugo at pawis ang kanyang pinuhunan. At pagkatapos kang iluwa ay ibinuhos ang kanyang wagas na pagmamahal. Ang mga babae ay may karapatan din naman. Hindi dapat binababoy nang mga lalaki. Gaya ni Eba, ibinigay siya kay Adan bilang asawa, katuwang sa buhay at hindi laruan.

-- Rowena A. Manliclic, Antipolo, Rizal

..

 

Please participate in 'Sanib-Sinag' (synergy of minds), through

'CYBER TALK-BACK' in selected SanibLakas webpages:

(Webmaster will mount your response in the appropriate page in this particular site.)

<SANIBLAKAS CYBERSERVICES is a special services project of SanibLakas Foundation>

 

 Ano naman ang sarili mong tugon sa aral na ito, kung mayroon?

Pangalan mo at palayaw::

Posisyon: 
Organisasyon, Opisina, Skwela o Barangay:
Mailing Address, E-mail Address, Fax No. & iba pang contact numbers:

 background na personal  (may kinalaman sa tugon):

Ipadala sa WEBMASTER -->

<< balik sa website opening window      balik sa Kartilya Forum opening window >>