Kartilya ng Katipunan, Aral Blg. 13 (K13)

"ANG KAMAHALAN NG TAO'Y WALA SA PAGKAHARI, WALA SA TANGOS NG ILONG AT PUTI NG MUKHA, WALA SA PAGKAPARING KAHALILI NG DIYOS, WALA SA MATAAS NA KALAGAYAN SA BALAT NG LUPA: WAGAS AT TUNAY NA MAHAL NA TAO, KAHIT LAKING GUBAT AT WALANG NABABATID KUNDI SARILING WIKA, YAONG MAY MAGANDANG ASAL, MAY ISANG PANGUNGUSAP, MAY DANGAL AT PURI,YAONG DI NAGPAPAAPI'T DI NAKIKIAPI; YAONG MARUNONG MAGDAMDAM AT MARUNONG LUMINGAP SA BAYANG TINUBUAN."

"A (person's) worth is not measured by his/her station in life, neither by the height of his nose nor the fairness of skin, and certainly not by whether he is a priest claiming to be God's deputy. Even if he is a tribesman/tribeswoman from the hills and speaks only his/her own tongue, a (person) is honorable if he/she possesses a good character, is true to his/her word, has fine perceptions and is loyal to his/her native land."

(Translated by the late Paula Carolina S. Malay)

(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom. We seek your responses.)


K13-12: This is the need of the moment. This is anti-Globalization, to my mind. Basic!

-- Jack

K13-11: Ang ibig sabihin nito, lahat tayo ay anak ng Diyos.

-- Arlene N. Maraya

K13-10: It speaks of genuineness, respect of others, sensitivity to self and others, patriotism, honesty and truth.

-- (Anonymous)

K13-9: Ang tlahat ng tao ay pantay-pantay at dapat mahalin bilang tao rin.

-- Gisela de la Cruz

K13-8: We Filipinos, perhaps, vary in blood, but we have practically the same principles, culture, the same dreams for our people. We will only realize these things if there is love among us -- love of selves and of country.

-- Van Alvaran

K13-7: Ang mahalaga ay lahat ng tao ay may magandang asal, mapagkakatiwalaan sa sinasabi, marangal ang kalooban, marunong magdamdam at marunong magmahal sa isa't isa at sa lupang tinubuan. Pag ganito ang lahat ay lalong uunlad ang ating bansa at may katahimikan at maghahari ang Diyos sa ating lipunan sapagkat kung nasaan ang pagmamahalan ay naroon ang Diyos.

-- Aniceta B. Quisel, Sajompaco, San Jose, Negros Oriental

K13-6: The values required to be practiced in this rule are the values and attitudes essentially required from from us Filipinos now in order to contribute a solution or a remedy in solving the socio-economic ills present in our country.

-- Idu F. Bercero, PIT-FECI Cooperative, Leyte

K13-5: Ang kadakilaan ay hindi nasusukat sa anumang yamang taglay ng isang tao, hindi rin sa pisikal na kaanyuhan. Ito ay makikita sa kanyang puso at gawa. Sa kanyang mabuting hangarin sa kapwa. Dahil kailan may hindi mabuting maghangad ng masama sa kapwa. Ito'y magdudulot lamang ng kapighatian sa bawat puso ng nilalang na sangkot. Ang pagiging marangal ay sa gawa natatalo. Ako, hindi ko pa nararanasang magparaya, pero hindi ito isang dahilan para pabayaan kong mawalan ako ng kasangalan. Hindi pa huli ang lahat, marami pang susunod. Kailangan lang ay magsimula na ngayon.

-- Jane Gonzales, ZRC Subdivision, Villa Raymundo Pasig

K13-4: Ang pagmamahal sa kapwa ay walang sinisino. Maging mahirap man o mayaman. Dahil sa mata ng Diyos lahat tayo ay mahal Niya. Ang ating Diyos ay minamahal kahit na yaong mga masasamang tao. Pinapatawad pa rin Niya tayo. Ang pagmamahal sa kapwa ay dapat maging katulad ng pagmamahal ng Diyos sa atin. Walang sinisino. Maganda man o pangit mahalin mo siya dahil sa batas ng Diyos tayo ay pantay-pantay. Mahal na mahal Niya tayo.

-- Ronya R. Nido, 15 yrs. old, 346 Paraiso St. Mandaluyong City

K13-3: Kailan lang napansin kong ang mga taong malapit sa akin ay mga driver, security guards, kahit na ang mga pushers at addict. Tingin ko kailangan nila ng taga pakinig at isang misyon para sa akin ang makinig sa kanilang buhay. Sa palagay ko kung nais nating umunlad ang bansa, unahin natin silang itaas ang kamalayan dahil sila ang nakararami sa lipunan.

-- Lilet Legaspi, Sorsogon

K13-2: Napili ko ito sapagkat ang isang nilalang kailan may hindi nagiging mahal dahil sa kanyang yaman o di kayaya katayuan ng isang tao o ang taas ng posisyon sa hanap buhay. Ang kamahalan ng isang tao'y nasa kanyang pagkatao, paguugali at kaasalan sa sarili at sa kapwa.

-- Bulaklak R. Soriano, 16 yrs. old, 780 Private Road Hulo Mandaluyong City

K13-1: Sa aking murang isipan, nadarama ko ang aking kahinaan na alam kong kahinaan ng maraming kababaihan na hindi maipagkakaila kanino man. Napili ko ito sapagkat ito ang karaniwang nanggyayari o nagaganap sa ating buhay. Ang isang babae ay hindi isang libangan o laruan lamang na kung kailan mo gugustuhin ay siya mong makukuha. Alalahaning ang inang nagdala sa atin sa ating kinagisnan ay siya mo ring babaeng para mo ring pinaglaruan. Ang mga babae ay nararapat na katuwang ng mga lalake sa hirap man o ginhawa, sa landas na ating tatahakin karamay natin sila hanggang sa ating kamatayan.

-- Charisma Dionella H. Adorable, 14 yrs. old, Bulacan, Bulacan

..

 

Please participate in 'Sanib-Sinag' (synergy of minds), through

'CYBER TALK-BACK' in selected SanibLakas webpages:

(Webmaster will mount your response in the appropriate page in this particular site.)

<SANIBLAKAS CYBERSERVICES is a special services project of SanibLakas Foundation>

 

 Ano naman ang sarili mong tugon sa aral na ito, kung mayroon?

Pangalan mo at palayaw::

Posisyon: 
Organisasyon, Opisina, Skwela o Barangay:
Mailing Address, E-mail Address, Fax No. & iba pang contact numbers:

 background na personal  (may kinalaman sa tugon):

Ipadala sa WEBMASTER -->

<< balik sa website opening window      balik sa Kartilya Forum opening window >>