Kartilya ng Katipunan, Aral Blg. 3 (K3)

"ANG TUNAY NA KABANALAN AY ANG PAGKAKAWANG- GAWA, ANG PAG-IBIG SA KAPWA AT ANG ISUKAT ANG BAWAT KILOS, GAWA'T PANGUNGUSAP SA TALAGANG KATUWIRAN."

"True piety consists of being charitable, loving one's fellowmen,

 and being judicious in behavior, speech and deed."

(Translated by the late Paula Carolina S. Malay)

(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom. We seek your responses.)


K3-25: Napili ko ito sapagkat, tunay nga na ako'y nagsisilbi sa simbahan ngunit ang aking pagsisilbi ay pangsarili lamang, kaya nais ko itong baguhin.

--Wilson Padillon

K3-24: : Napili ko ang aral na ito sapagkat para sa akin ang taong may pananampalataya sa Diyos ay may pagmamahal at may malasakit sa kanilang kapwa.

-- Glenn De Juan

K3-23: Ito ang napili ko sapagkat may mga oras na hindi ko maipadama ang pagmamahal o pagkakawang-gawa sa kapwa ko. Kung ngayon gusto ko na maipakita ang aking pagkakawang-gawa sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong sa abot ng aking makakaya. Sapagkat naniniwala ako na ang tunay na kabanalan ay pagkakawang-gawa.

-- Vernodeth Boroubol

K3-22: Pinili ko ito dahil nilalarawan nya na ang tunay na kabanalan ay ang pag-ibig mo sa iyong bayan o kaya sa isang tao kung may ginawa ka sa iyong bayan huwag mong sukatin kundi ginawa mo ito dahil gusto mo.

-- Mona-Liza Galasino

K3-21: Napili ko ito sapagkat hindi nasusukat sa pagkabanal mo o pagdarasal kung ano ka talaga o kung sino ka. Ang mas mahalaga kung paano ka makakatulong o makapagpapaligaya sa kapwa mo.

-- Alona Balbacal

K3-20: Isa sa pinakamataas na antas ng kabutihang asal ay pagmamahal sa kapwa. Hindi sapat na sabihin mong pinahahalagahan mo ang iyong kapwa tao nang walang ginagawang kabutihan sa kanila.Pagkakawang-gawa batayan ng kabanalan. Kumilos ang isang nilikha kahit walang tuluyang nag-uutos sa kanya. Kailangan ang malinis na hangarin sa pagtupad ng isang tungkulin.Marami sa atin ngayon ang hindi makasunod sa ganitong panuntunan. Bakit? Natatakot ang iba sa atin na mangusap dahil hindi nila batid ang katotohanan. "Katotohanang dapat na mapukaw sa diwa at damdamin ng lahat."

-- Silveno Cabalejo, 716 Daang Bakal St. Hulo, Mandaluyong City

K3-19: Ang pagiging banal ay maipapamalas sa makatwirang pamumuhay, sa isip, puso, salita at gawa. Katulad ng mga bayani nating yumakap sa katwiran, humangad ng katotohanan at nagbigay laya sa makataong paninindigan.

-- Wilshelyn C. Par, 320-C Dansalan St. Mandaluyong City

K3-18: Ang kabanalan ay hindi nasusukat sa kapal ng libro, bibliya o salita ng Diyos na iyong naisaulo o nabasa, kundi ang pagsasabuhay ng bawat salitang napakinggan. Hindi kailangan ng iyong kapwa ang puro salita, kundi ang iyong pag-ibig, pag aruga at pagiintindi. Mas mabuti na sa bawat salitang napakinggan mula sa Bibliya ay dapat na tapatan ng nararapat na gawa, hindi sa ikasasama, kundi sa ikabubuti ng bawat isa.

-- Renmark Malipa, Bacolod City

K3-17: Ano man ang mabuting gawin natin kung walang pagkakawang gawa ay hindi mo matatamo ang tunay na kabanalan. Ito ay paglilingkod ng taos puso at walang hinihintay na kapalit kung may pag-ibig ka sa kapwa ay ibibigay mo ang iyong sarili na ang bawat kilos mo ay sadyang may katumbas na mabuti sa Dios.

-- Florante R. Bautista Jr.

K3-16: Sa panahon natin ngayon, maraming relihiyon na ang umuusbong. Hindi ko rin masasabing relihiyon kundi sekta na may kanya-kanyang gawi sa pagsamba, pagawit at lalung lalo na ang mang akit ng maraming kasapi. Subalit ang tanong ay ganito, ano ba ang mga itinuturo ng mga ito at ano rin ang layunin nila kung bakit kailangang maipaalam nila sa tao ang mga salita ng Diyos? Bilang isang magaaral, ang pawang layunin lamang ng mga sektang ito ay ang kabanalan. Sa aking obserbasyon, mailalahad ko sa inyo na kahit ano man ang mabuting gawin natin kung walang pagkakawang gawa ay hindi mo matatamo ang tunay na kabanalan. Ito ay paglilingkod ng taos puso at walang hinihintay na kapalit. Kung may pag-ibig ka sa iyong kapwa ay ibibigay mo ang iyong sarili na ang bawat kilos mo ay sadyang may katumbas na mabuti sa Diyos. Ang gawang magaling ay sa talagang katuwiran na inuukol mo sa kapwa sa kanyang kapakanan.

Tunay ngang ang kabanalan ay matatamo mo sa isang paglilingkod na ang tanging minimithi ay maibigay ang sarili, na hindi naghihintay ng anumang kapalit na iniisip ang kapakanan ng kapwa dahil sa pag-ibig.

-- Florante R. Bautista Jr., 86 Interior 3 Aglipay St. Mandaluyong City

K3-15: Ang tunay na kabanalan ay makikita kung sa papaano mo itrato ang iyong kapwa. Ang tunay na kabanalan ay mahihiti sa pamamagitan ng lubos na pagmamahal sa ating sarili (disiplina) lalong lalo na sa ating kapwa. Gaya nga ng sinabi ng Diyos "Kung ano ang ginagawa mo sa kapwa mo ay gayundin ang ginagawa mo sa akin". Sa pamamagitan ng pagiging mabuti sa kapwa isa kang tunay na banal.
-- Emmanuel E. Gaite, 15 yrs. old, Lagonoy, Camarines Sur

K3-14: Napili ko po ito dahil sa ito ang karaniwang napapansin ko sa taong malimit kong makasalamuha. Ang gagaling magsalita ng "Diyos ko" hanggang sa sarili na lang nila ang kanilang pinaniniwalaan. May mga tao ring ang sisipag magdala at magbasa ng Bibliya, ngunit ganon na lang manghamak ng kapwa. Totoo naman talaga na ang tunay na kabanalan ay hindi nakikita sa dalas ng pagsisimba o pagbabasa ng Bibliya; o ang pagsasabi na may Diyos, pagkatapos may nakasahod para sa pera. Ito'y pinakikita sa paggawa ng mabuti sa kapwa.

-- Karen B. Billones, 550 Int. 3 9 de Pebrero St. Mandaluyong City

K3-13: Napili ko ito dahilan sa marami sa atin ang nakalilimutan nang tumulong sa kapwa at puro sarili na lamang ang iniisip. Ang ilan sa atin ay tumutulong lamang kung may natatanggap na kapalit. Hindi ba natin naiisip na kung anong ginagawa natin sa ating kapwa ay siya ring ginagawa natin sa ating Panginoon?! Gawin nating makabuluhan ang buhay natin sa mundo dahil minsan lamang tayo binigyan ng ganitong pqagkakataon. Ibigin natin ang ating kapwa gaya ng pagmamahal natin sa sarili, at maging sa mga bagay na nakapaligid sa atin. Tapat at walang pag-iimbot! Hindi pa man siguro huli ang lahat, tao lamang tayo di ba?! Ngunit sa bawat pagkakamali natin ay palitan o suklian natin ng kabutihan dahil may dahilan ang Diyos kung bakit tayo nilagay sa mundo, gawin sana natin itong makabuluhan para sa kanya.

-- Judy S. Khan, 16 yrs. old, 280 Int. E. Magalona St. Mandaluyong City & Negros Occidental

K3-12: Isa sa pinakamataas na antas ng kabutihang asal ay pagmamahal sa kapwa. Hindi sapat na sabihin mong pinahahalagahan mo ang iyong kapwa tao nang walang ginagawang kabutihan sa kanila.
Pagkakawang gawa batayan ng kabanalan. Kumikilos ang isang nilikha kahit walang tuluyang naguutos sa kanya. "Ang paggawa ng hindi nasasabihan ay nangangahulugan ng taos pusong pagtulong sa iba". Kailangan ang malinis na hangarin sa pagtupad ng isang tungkulin.
Marami sa atin ngayon ang hindi makasunod sa ganitong panuntunan. Bakit? Mas importante ang kanilang kaayusan kaysa kabutihan ng iba. Natatakot ang iba sa atin na mangusap dahil hindi nila batid ang katotohanan. Katotohanang dapat na mapukaw sa diwa at damdamin ng lahat.
-- Silvino Cabalejo

K3-11: Ang tunay na kabanalan ay hindi natin maipapakita sa pamamagitan ng pagiging plastic sa kapwa. Marami sa atin ang nabubuhay sa ganitong paguugali. Napili ko po ito dahil minsan ay nabuhay ako sa ugaling ito. Kailangan natin ang gabay ng Diyos. "Put God first before anything else", hindi natin maipapakita kung ang puso't isipan natin ay malayo sa kanya. Ang tunay na kabanalan, pagkakawang gawa, pag-ibig sa kapwa at ang bawat kilos gawa't pangungusap ay kailangan ng kalinga at patnubay Niya.

-- Mark Anthony A. Swing, 15 yrs. old, 950 Dona B. Yangco St. Mandaluyong City

K3-10: Kung tayo ay banal mapapatunayan natin ito sa pamamagitan ng pagkakawang gawa. Dapat ang ating mga kinikilos, sinasabi at ginagawa ay ayon sa talagang katwiran. Nauugnay ito sa buhay ko dahil dati alam ko na banal ako dahil parati akong nagsisimba, sinusunod ko ang aking mga magulang at gumagawa ng mabuti ngunit hinding-hindi ako marunong makipag kawang gawa. Kapag ako ay tumutulong sinasabi ko na bakit sila tinutulungan ko, pero sila hindi naman ako tinutulungan. Ang iniibig ko lang ay ang aking pamilya, pag-aaral at ang Diyos. Marami akong ikinikilos, sinasalita at isinasagawa na hindi talaga ayon sa katwiran.
Ngayon, hindi ko na masasabi na banal ako dahil sa maraming kadahilanan: 1) Hindi ako marunong makipag kawang gawa. 2) Hindi ako marunong umibig sa kapwa. 3) Pagsukat ng bawat kilos, gawa, pangungusap sa talagang katwiran.
Ngayon, pananatilihin ko ang mga mabubuting bagay na mayroon na ako at gagawin lahat ng makakaya upang maisagawa, maisakilos, maisalita ang mga bagay na makakapagpabanal sa akin.

-- Evangeline N. Boceso

K3-9: Para sa akin ang tunay na kabanalan ay hindi dapat ipinipilit ng sumasampalataya at ang pag-ibig sa kapwa. Ang ibig sabihin nito ay hindi dapat isinusukat ang aking pagkikilos, pananalita, gawa't pangungusap.
-- Ann Margarette Sanchez, 13 yrs. old, Blk 31 Lot 44 Western Bicutan Taguig M.Mla.

K3-8: Kaya ko ito napili ay dahil ang tunay na kabanalan pala ay hindi lamang sa paglilingkod sa Diyos ngunit dapat mahalin ang ating kapwa, maging mapagkawang gawa at ang pag-ibig sa kapwa. Ang relasyon sa akin nito ay para bang natutuhan ko na ang ibig sabihin ng kabanalan. Dapat palang hindi lamang salita ang dapat gawin para maging banal kundi gawin ang ipinaguutos ng Panginoon.

-- Joetom B. Adviento, 323 Dasalan St. Mandaluyong City

K3-7: Para sa akin, maiuugnay ko ang aking buhay sa napili kong pangungusap sa pamamagitan ng pagiging makatao sa iyong kapwa. Hindi mo kasi kailangan ang iyong mga material na bagay para mapalapit o kaya'y makilala ng mga tao bagkus nasa sa iyo ang daan para ikaw mismo ang makilala ng kapwa mo sa pamamagitan ng pakikitungo mo sa iyong kapwa at kung ano ang iyong mga kinikilos at pananalita sa kanila. Nasabi ko po ang mga ganito dahil sa marami na akong pinagkatiwalang mga kaibigan ko pero pulos sila mga "plastic" lang. Pero hindi ako sumusuko na balang araw ay makatatagpo rin ako ng tunay kong kaibigan na dadamay sa akin sa oras ng aking kagipitan o sa kahit na kasiyahan. Hanggang ngayon ay pilit akong nakikibagay sa itinuturing kong mga kaibigan pero binabaliwala nila ako, naiintindihan ko naman sila dahil alam kong mas gusto nilang ang makamundong buhay kaysa sa maka espiritwal o di sunod sa uso at ang kanilang mga kinikilos ay hindi ko rin magustuhan. Tama ba o mali ang umiwas na lang sa kanila?

-- Agnes C. Bordeos, 255 Metro Green Village Brgy. Sta. Lucia Pasig City & Bicol

K3-6: Ito ang aking napili sapagkat sa aming mga kabataan ay nababaliwala ang lahat ng ito. Nawawalan nang saysay ang aming mga pinag-aralan sa paaralan. Lalo na ngayon ang bansa ay naapektuhan na ng malaking pagbabago ng ekonomiya at lalo na sa paraan nang pamumuhay ng pamilyang Pilipino. Ang pag-ibig sa kapwa na kailangang pairalin ay walang halaga kung ang buhay ay puno ng gulo at pagiisip. At paano maisusukat ang katwiran kung ang pagsukat ay di naman para sa katwiran.

-- Nathaniel O. Pelea, 16 yrs. old, Address: 21 Kapalaran St. Mandaluyong City

K3-5: Tatlong taon na ang nakalipas, isa akong sakristan noon. Ang alam ko noon sa kabanalan ay ang kaalaman sa salita ng Diyos. Umalis ako noon dahil hindi ko matunton ang aking sarili. Ang kabanalan pala ay hindi nasusukat sa kapal ng libro, Bibliya o salita ng Diyos na iyong naisaulo o nabasa, kundi ang pagsasabuhay ng bawat salitang napakinggan. Hindi kailangan ng iyong kapwa ang puro salita, kailangan niya ang iyong pag-ibig, pag-aaruga, at pag iintindi. Mas mabuti na sa bawat salitang napakinggan mula sa Bibliya, ay dapat na tapatan ng nararapat na gawa, hindi sa ikasasama, kundi sa ikabubuti ng bawat isa. Ngayong alam ko na ang ibig sabihin ng kabanalan, natunton ko na ang aking sarili at hindi na ako lagalag.

-- Renmark C. Maligsa, Apt.C Lico-Mariveles St. Highway Hills, Mandaluyong City

K3-4: Para sa akin, bago maging banal ang isang tao ay dapat mayroong pagkakawanggawa, pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos gawa at pangungusap sa talagang katwiran. Siguro kapag ang isang tao'y may katangian ng mga tao ito ay masasabi na rin nating banal. Tulad na lamang ng mga Katipunero na halos lahat ay banal. Gusto kong maging banal katulad ng mga Katipunero noong unang panahon.

-- Joy Cristine Arlos, B-54 Bldg. I Sacredante St. Mandaluyong City

K3-3: Paano nga ba ang pagiging tunay na banal? Sa panahon ko ngayon, marami ang makakapagsabing ang pagiging banal ay sa pamamagitan ng pagsamba sa Diyos, pagdarasal ng matimtiman, pagdarasal ng rosaryo, paglilingkod sa simbahan, at iba pang gawaing kadalasa'y pawang pakitang tao lamang. Ngunit katulad na rin ng awiting "Banal na aso, Santong Kabayo, natatawa ako!".Ang pagiging banal ay hindi hanggang doon lamang. Oo nga't mabuting gawain ang mga ito ngunit ano pa kayang makahihigit sa kabutihang pati sa kapwa'y isinasabuhay? Tayo'y pinakitaan ng Diyos ng kabutihan hindi upang sambahin lamang siya kundi upang ang mga ginawa niya sa ati'y atin ring gawin sa kapwa.
Ang pagiging banal ay maipamamalas din sa makatwirang pamumuhay. Sa isip, sa puso, sa salita at sa gawa. Katulad ng mga bayani nating yumakap sa katwiran, humangad ng katotohanan at nagbigay laya sa makataong paninindigan. Ngunit dahil sa pagiging matuwid ay mahirap at nagpapahirap. Marami sa kanila ang itinakwil ng kapwa. Ang mga pangyayaring ito'y hindi lamang noong mga makalumang panahon ngunit magpasahanggang ngayo'y nangyayari at lalo pa ngang sumisidhi.

-- Wilshelyn C. Par, 320- C Dansalan St. Mandaluyong City

K3-2: Ito ang aral na aking napili sapagkat para sa akin lahat ng tao ay nilikha na kawangis ng Diyos at ang bawat isa ay mayroong kahinaan na dapat punan ng kanyang kapwa. Sinabi nga na "walang sinumang nabubuhay para sa sarili lamang." Ang lahat ng aral ng Diyos sa atin ay umiikot lamang sa dalawang tema,and dalawang banal na kautusan ng Diyos. Una ang mahalin ang Diyos ng higit sa lahat at ikalawa'y ang mahalin ang kapwa katulad ng pagmamahal sa sarili. Ang tunay na kabanalan ay hindi lamang pagkakawanggawa sa pagbibigay ng tulong materyal, kundi ang paglalaan ng oras upang sandaling umupo at magpahayag ng pagmamahal sa kapwa. Ang pagpapadama sa kanila na sila'y mahalaga, sapagkat walang makapag pupuno ng pagkukulang ng iba, tulad ng kaya nila.
Ako bilang isang nilalang din ng Panginoon ay may roong pagkukulang na dapat ding mapunan, at bilang pag tanaw ng utang na loob gagawin ko na ang lahat ng aking makakaya upang maipakita ang kabanalan sa pamamagitan ng paglalaan ng oras para sa aking kapwa, at pagtulong sa kanila sa anumang aspeto ng buhay; moral, espiritwal at emosyonal. Sa ganito mang munting paraan sana maibigay ko na ng buong-buo ang nais kong maibigay. At sana sa sandali mang inilaang buhay sa akin ay magampanan ko ito.

-- Nenette S. Panes, 730 Interior 5, Bagumbayan St. Sta. Mesa, Manila

K3-1: Kaya ito ang aking napili ay sapagkat ito ay may kaugnayan sa aking buhay, dahil ako ay naglingkod din naman o gumagawa ng isang bagay na walang bayad na inaalay ko ang aking panahon sa pagtulong sa mga mentally ill na aming pinupuntahan. Minsan naman ay sa Hospicio de San Jose kahit na pinipigilan ako ng aking Nanay na pumunta roon. Ako'y pumupunta parin sa dahilang ako ay may sinumpaang tungkulin at talagang gusto kong mag lingkod sa kanila.
Ang masasabi ko lang, sana lahat ng kabataan ay marunong ding maglingkod sa kanilang kapwa ng walang hinihintay na kapalit o kabayaran at sana rin ay gugulin natin ang ating buhay sa isang makabuluhang bagay at kapakipakinabang na ating maipagmalaki kahit pa sabihin ng ibang tao na tayo o ikaw ay nagpapaka martir.
-- Rosallia B. Rivera

 


..

 

Please participate in 'Sanib-Sinag' (synergy of minds), through

'CYBER TALK-BACK' in selected SanibLakas webpages:

(Webmaster will mount your response in the appropriate page in this particular site.)

<SANIBLAKAS CYBERSERVICES is a special services project of SanibLakas Foundation>

 

 Ano naman ang sarili mong tugon sa aral na ito, kung mayroon?

Pangalan mo at palayaw::

Posisyon: 
Organisasyon, Opisina, Skwela o Barangay:
Mailing Address, E-mail Address, Fax No. & iba pang contact numbers:

 background na personal  (may kinalaman sa tugon):

Ipadala sa WEBMASTER -->

<< balik sa website opening window       balik sa Kartilya Forum opening window >>