Kartilya ng Katipunan, Aral Blg. 4 (K4)"MAITIM MAN O MAPUTI ANG KULAY NG BALAT, LAHAT NG TAO'Y MAGKAKAPANTAY; MANGYAYARING ANG ISA'Y HIHIGITAN SA DUNONG, SA YAMAN, SA GANDA, NGUNIT DI MAHIHIGITAN SA PAGKATAO.""All (persons) are equal, regardless of the color of their skin. While one could have more schooling, wealth or beauty than another, all that does not make one more human than anybody else." (Translated by the late Paula Carolina S. Malay) |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom. We seek your responses.)
K4-40: : Kaya ko nagustuhan ang ikaapat dahil ito ay nagsasabi na hindi mo makikita ang pagkakapantay-pantay sa anyo ng ibang tao. Ito ay makikita mo sa pagtutulong-tulong at sa pagsama-sama ng mga Pilipino.
-- Arleight C. Belarde, FEU
K4-39: : Dahil ang mga tao kahit na mayaman o mahirap man ay pantay-pantay, hindi lahat ng tao ay nabibili sa pamamagitan ng pera o salapi. Lahat ng kayang gawin ng isa ay kaya rin ng iba.
-- John Michael Gil Calixihan, FEU
K4-38: Ang lahat ng tao'y magkapantay na ginawa ng Diyos sa kanyang paningin. Maaring may nakahihigit ngunit ang Diyos ay may dahilan kung bakit. Ano mang mayroon tayo ay galing sa Diyos na maari niyang kunin sa iba't-ibang pamamaraan. Ngunit ang pagkatao ay isang tunay na yaman. Yamang makahihigit kahit saan. Yaman na walang katulad at nais ng Diyos.
-- Minerva P. Telan, Blk 1 Lot 6 Exodus Floodway Taytay Rizal Province: Bicol
K4-37: Masasabi ko na lahat ng tao ay pantay-pantay, mayaman man o mahirap pantay-pantay tayong lahat sa paningin ng Diyos. Kahit na sa ating panlabas na kaanyuhan pare-pareho tayo. Pero sa ating pagkatao kahit na mayaman ka o maganda ka pa kung atin namang susuriin ang ating ugali minsan masasabi natin na masama dahil para sa akin halos sa mga taong nakaririwasa at mayroon ding kagandahan ay masama ang kalooban.
-- May Santos, Blk 3 PFCI Brgy. San Andres Cainta Rizal Province: Quezon
K4-36: Napili ko ito sapagkat ito'y nakasulat din sa banal na aklat ng Diyos na lahat ng tao'y magkakapantay maging ito'y mayaman o mahirap. May kaugnayan ito sa aking buhay sapagkat ito'y nangyayari rin sa pagitan ng aking pamilya at ng aking mga tiyuhin.
-- Joana A. Barbasa, 331 Chico St. Napico Manggahan, Pasig City Province: Tagumbao Gerona, Tarlac
K4-35: Napili ko ang kartilyang ito dahil madaling nakatawag pansin sa akin sa dahilan na lahat nang tao sa mundong ito ay iisa subalit sa kalooban ay magkakaiba. Maikukumpara ko ito sa aking sarili dahil ako ay isang simpleng tao na namumuhay sa mundong ibabaw. Kahit ano ka pa, kahit ikaw pa ang pinakamayamang tao sa buong mundo, ikaw pa ang nagmamayari ng napakalaking lupain sa mundong ibabaw. Para sa akin "walang halaga ang kayamanan kung wala kang kalooban". Mayaman ka man hindi madadala sa kabilang buhay ang iyong kayamanan.
-- Jinky V. Agbuya
K4-34: Sinasabi dito na magkakaiba tayo sa mga pisikal na bagay at maaaring mahihigitan ng iba sa kagandahan, katayuan sa buhay at kanilang naabot na karangalan. Pero lahat naman ng tao ay magkakapantay, may parehong damdamin, puso at paniniwala sa Diyos. Dahil tayong lahat ay tao pero magkakaiba ng tawag dahil sa ibang pisikal na bagay tayo ay nagkakaiba. Katulad ng Amerikano at British sila ay maputi pero nagkakaiba rin sila sa pananalita at mga kaugalian at paniniwala. Katulad din ito ng ibang tao sa buong mundo. Nagkakaiba pero kahit sa ibang bansa ay magkaiba rin ang tao dahil sa pagkatao. May mga tao na ang pagkatao ay masama, o di maganda. Samantalang ang iba ay may magandang pagkatao. Aanuhin pa natin ang kagandahan ng balat, may dunong, malaking yaman, at ganda kung ang pagkatao mo ay mababa kaysa sa mga taong ang pisikal at katayuan sa buhay ay di maganda ngunit ang pagkatao ay maganda. Dahil mas magandang tignan at pakiramdaman ang magandang pagkatao kaysa sa masamang pagkatao. Titignan ko ang tao dahil sa pagkatao nito hindi sa labas na anyo.
-- Portia Pumarega, 607 M. Gonzaga St. Mandaluyong City
K4-33: Walang sinuman ang may karapatang tumingin sa kapwa nang pababa at walang pakundangang apakan at durugin ang pagkatao ng isa, sapagkat tayong lahat ay tao na siyang nilikha ng Maykapal na may kanya kanyang personalidad at anyo. Lahat tayo ay pantay- pantay sa mata ng Diyos. Ang bawat isa ay may kalakasan at kahinaan kaya't dapat pagkatandaan na tingnan ang bawat isa bilang kauri natin at gamitin ang ating kalikasan ng iba ay dapat gamitin upang iangat ang sarili nating kahinaan. Sa ganitong paraan, tayo ay mabubuhay ng pantay, makatarungan at maunlad na indibidual.
-- Marilag B. Dimatulac, 14 yrs. old ,N-46 Bldg. 2 Sa Sacrepante St. Mandaluyong City Province: Pampanga
K4-32: Bagamat
hindi tayo magkasingkulay hindi tayo pare-pareho ng estado sa buhay ngunit
sa makatarungang mata ng Diyos tayo'y pantay pantay. Ating pakatatandaan
darating ang paghuhukom at sa pagkakataong ito walang maganda, walang pangit,
walang matalino, walang bobo, walang mayaman at walang mahirap. Susukatin
tayo at lilitisin sa mga kabutihang nagawa natin sa ating kapwa at sa kanya.
Ang lahat ng kabutihang nagawa natin sa ating kapwa at sa Kanya, ang lahat
ng iyong kabutihang nagawa gantimpala ang naghihintay sa iyo. Ang buhay
na walang hanggan kapiling ang Diyos ng ating buhay! Si Hesus Kristo.
K4-31: Napili
ko ito sapagkat ito'y naghahalintulad sa ating buhay na kung minsan ay
puro panlabas na kaanyuhan at karangyaan lamang ang ating tinitignan. Datapwat
atin rin namang siyasatin ang pagkatao na kung saan natin tingnan ang kanyang
kabutihang nagawa sa ating kapwa.
-- Maricar Balagtas, 721 Coronado St. Hulo Mandaluyong City
K4-30: Tao tayo na may kanya kanyang kaantasan ng pamumuhay. Ang iba'y totoong hihigit sa atin, maaaring sa ganda at dunong, ngunit alalahanin nating pantay-pantay tayong nilikha ng siyang pantay din ang pagtingin sa kahit kanino. Minsan inisip ko na ring mas higit ako sa iba o mas lamang ako sa iba, ngunit hindi ko naisip na mas maganda at mas mabuti ang pagkatao nila kaysa sa akin. Ngayo'y unti-unti kong naunawaan na walang halaga ang lahat ng luho at yaman, dahil mas mahalaga ang pagkatao, hindi lang basta pagkatao kundi ang kung ano yoong tunay na ikaw. Kaya kahit ano ka pa mas mahalaga ang pagkatao.
-- Angelita A. Abad, 14 yrs.old, Province: Catanduanes
K4-29: Napili ko ito sapagkat tayong lahat ay nilalang ng Diyos. Walang maliit, walang malaki, walang mataas, walang mababa. May karapatang mabuhay sa mundong ibabaw. Pangalagaan ang anumang ipinagkaloob ng Diyos. Maaaring iba-iba ang patutunguhan at iba- iba ang kahihinatnan. Maaaring mahigitan ng yaman at dunong ngunit ang tunay at dalisay na pagkatao ay di kailanman mahihigitan.
-- Florelyn M. Consemido,16 yrs. old, 231 Basilan St. Mandaluyong City Province: Cuenca, Batangas
K4-28: Para sa akin ang lahat ng tao ay pantay-pantay. Gaano man siya kayaman, kaganda, matalino man siya o anak ng kahit sino mang tao sa buong mundo. Walang halaga sa akin ang mga bagay na ito. Mas mahalaga sa akin ang pagkatao, ugali at kalooban ng tao dahil ang taong may malinis na kalooban ay may malinis at dakilang puso. Tayo ay ginawa ng Diyos na kawangis Niya kaya dapat ang bawat isa ay pantay-pantay. Marunong makipagkapwa tao, may dignidad at dakilang kalooban. At lalong lalo na hindi mo maaring dungisan ang pagkatao ng iyong kapwa.
-- Leilani B. Orpilla
K4-27: Ang ibig sabihin nito na kung ano pa man ang iyong kulay, itsura, talino at katayuan sa buhay, lahat ng tao ay pantay pantay. Ang tao ay may kanya-kanyang kakayahan sa ibat- ibang bagay, at may sariling dangal.
-- Queenie P. Saul, 13 yrs. old, Blk 19 Lot 14 Relocation Site (Phase I) Taguig, M.Mla
K4-26: Maitim man o maputi, mayaman man o mahirap, maganda man o pangit ang lahat ng tao'y magkakapantay-pantay dahil iisa lamang ang lumikha sa atin. Hindi tayo mahihigitan sa pagkatao dahil hindi naman iisa ang ating isipan.
-- Dianna Donna R. Calucin
K4-25: Ito ang aking napili dahil sa ngayon ay pilit pa ring nilalayuan ng ibang tao ang may maitim na kulay ng balat. Katulad na lang dito sa ating bansa, ang mga ita (aeta) ay pinapandirihan at nilalayuan ng mga tao lalong lalo na ang mga mayayamang matapobre. Ano man ang kulay ng balat mayroon ang isang tao ay pantay-pantay pa rin tayo sa mata ng Diyos. Kaya ang mga ita ay takot humanap o bumaba sa bayan dahil sa natatakot silang maapi. At maaaring mayroong natatagong talino sila na hindi magamit at madevelop dahil sa takot. Kaya bigyan natin sila ng pagkakataon na ipahayag ang kanilang nadarama. Parehas naman tayong ginawa ng Diyos hindi porket magkakaiba tayo ng kulay pero ang katotohanan ay sa iisa lamang tayo galing. Tignan mo muna ang dumi mo bago ang dumi ng iba. Sa halip layuan at pandirihan, atin silang tulungan idevelop ang kanilang natatagong damdamin at talino. Bigyan natin sila ng pagkakataon.
-- Jacqueline C. Repe,16 yrs. old ,#2192 Rd II N.D.C. Compd. Sta Mesa Mla
K4-24: Ito ang pinili ko sapagkat para sa akin ang tao bilang kapwa mo ay hindi mo dapat dustain o hamakin sapagkat sila ay katulad pa rin natin dahil sa mata ng Diyos tayo ay pantay. Maaaring makalamang ka, oo, sa ganda, dunong at yaman pero dapat nating tandaan na tayong lahat ay tao pa rin. May isip, talino at kaluluwa.
-- Mark Gubalina Nobela
K4-23: Ito ang aking napili sapagkat naniniwala ako na ang lahat ay nilalang ng Maykapal na pantay-pantay. Totoong may mayaman, may mahirap, may maganda, ngunit ang pagkatao ay di mahihigitan ng sinuman. Ang paggalang sa sarili at pagiging matuwid ang magiging mahusay na pundasyon ng iyong pagkatao. Kung ano ka, ay siyang lilitaw dahil ikaw ay tunay na ikaw. Ang aking pagkatao ang mangunguna sa lahat ng bagay dahil ito ang magsisilbing inspirasyon at kayamanan ko hanggang sa ako'y bawian ng buhay.
-- Janette T. Ortega, 208 F. Blumentritt St. Hulo, Mandaluyong City
K4-22: Pinili ko ang aral na ito dahil ipinahihiwatig na ang lahat ng tao sa mundo ay nilikha ng Diyos. Kaya't kung anuman ang itsura mo, kung may kapansanan ka man, kung ano man ang katayuan mo sa buhay, lahat tayo ay pantay-pantay. Maaaring mahigitan kayo sa dunong pero hindi ibig sabihin ay may bobo. Walang bobo, tamad lang mag-aral. Pero sa lahat ng ito, hinding-hindi mahihigitan ang pagkatao. Dahil sa pagkatao walang pagkukumpara dahil iba-iba tayo.
-- Rosella R. Cruz, 580-L Arayat Street Mandaluyong City
K4-21: Marahil kaya ko napagukulan ng pansin ang talatang ito ay sa dahilan na rin na nangyayari sa paligid natin. Sa ngayon ang hustisya ay hindi na gumagawa para sa mga dusta nating mga kapatid na uhaw sa kanilang karapatang pantao. Pera, ito ang malalim na dahilan kung bakit ang hustisya ay para sa mayayaman lamang. Kung sa gayon ang mga mahihirap nating mga kapatid na uhaw sa hustisya ay isang laruang manikin lang para sa mga maalipustang mayayaman. Sa makatuwid kailangan natin uling magbigkis bigkis ng kamay upang sagupain itong mga uwak na sa tingin ng ating ilang abang mga kapatid ay magagalang at matutulungin ngunit kapag ito ay tinangalan ng maskara ay parang isang bankay na nauugnas. Ang karapatang pan tao para sa akin ay para sa isat-isa, parusahan ang dapat parusahan, hatulan and dapat hatulan, upang sa gayo'y magising ang bawat isa sa atin.
-- Jolan Navarro
K4-20: Napili ko ito sapagkat ginawa ng Diyos ang lahat ng tao ng pantay-pantay, mahihigitan lang ang isang tao sa kanyang pagkatao. Nahahawig ito sa buhay ko sapagkat hindi ako ang taong namimili ng isang kaibigan, mahirap man o mayaman. Kahit na ang isang tao ay mahirap basta seryoso siya sa kanyang ginagawa at nasa mabuting landas.
-- Neil Anthony Sobrado,722 Tiyaga St. Ayala, Mandaluyong City
K4-19: Ang lahat ng tao ay magkakapantay sa lahat ng bagay, ngunit magkaiba ang paninindigan at pagkatao. Ito ay katulad ng kasabihang "It's better to crawl than to fly because sometimes you can be hit by an arrow."
-- Jomar Rodolfo
K4-18: Tulad ngayon sa panahong ito, parang mahina na talaga ang sistema ng hustisya. Kapag mahirap ka at walang pera, kahit na hindi mo naman kasalanan sa tingin ng tao may kasalanan ka. Pero kung mayaman ka at may pera sa tingin ng tao kahit kasalanan mo malinis pa rin ka.
-- Kristine Villarin, 73 Eucalyptus St. Western Bicutan Taguig M.Mla
K4-17: Ang lahat ng tao ay magkapantay-pantay. Walang mataas, walang mababa. Tayo ay ginawa ng Diyos para magmahalan. Porke ang isang tao ay hindi mayaman lagi na lang natin siyang inaapi. Makikita ito sa pagkatao, dito natin sinusukat kung gaano tayo kaganda sa kalooban. Minsan ang tao ay masyadong mapagmataas. Walang sinumanhg tao ang manglalait dahil lahat tayo ay pantay- pantay.
-- Ronalyn P. Valdez, 15 yrs. old
K4-16: Dahil tayo ay nilikha ng Diyos, pantay ang paningin sa atin, ngunit magkakaiba ng ugali, mukha at mga paniniwala. Subalit ito'y mga maskara at mga takip lamang ng tunay na pagkatao ng indibidwal. Maaaring ang nakikita mong panlabas na anyo ay taliwas sa tunay nitong pagkatao, o ito'y mga pagkukunwari lamang sa katotohanan. Kung hindi man tayo mapalad na magkaroon ng sapat na talino, yaman at ganda, sisikapin nating maging mabuti para sa atin, at sa ating kapwa, sapagkat ang tunay na kagandahan , kayamanan at dangal ay nasasalamin sa tunay na katauhan ng isang nilikha.
-- Mariui M. Bautista, 15 yrs. old
K4-15: Lahat ng tao'y magkakapantay sa mata ng Diyos Ama. Ibinubuhos Niya ang ulan sa lahat ng tao, mabuti man o masama. Kahit na gaano tayo kapangit, kahit kasinghirap tayo ng daga, kahit na hindi tayo gaanong matalino, ang mahalaga'y minamahal tayo ng Diyos, at hindi niya tayo pababayaan saan man tayo mapunta. Ang mahalaga'y nabubuhay tayo dito sa mundo kapiling ng ating Ama. Ang pinakamahalagang kayamanan dito sa ating mundo ay ang ating pagkatao, na parang isang lupa na napagyayaman para mabuhay o mataba.
-- Jeffrey M. Ang, 16 yrs. old, 124-C A.Mabini St. Mandaluyong Province: Nueva Ecija
K4-14: Nilikha tayo ng Diyos ng pantay-pantay dahil tayo ang kanyang tupa. Maraming mga tao ang tumatalikod sa utos niya kaya gumagawa sila ng kasalanan. Sa ngayon marami ang mayayaman at matatalino ngunit ang iba sa kanila ay hindi marunong magpasalamat sa mga biyayang natanggap. Mabuti pa kaming mahihirap kahit na mahirap sa kabuhayan ay hindi namin nakakalimutang magpasalamat sa Kanya. Oo, alam namin na sila'y mayayaman at mahihirap lamang kami. Matalino din sila ngunit hindi isinasapuso at sinasagawa. Kahit may kaunting talino, kaming mga mahihirap ay nagsasabuhay lalo sa mga talinhaga sa Bibliya. Dito malalaman na talagang ang Diyos ay nilikha tayong pantay-pantay.
-- Julius A. Jaldo, 797 Yabut Compd. 9 de Pebrero St. Mandaluyong City
K4-13: Alam natin na ang Diyos ang lumikha ng lahat. Nilikha nila tayo ng pantay-pantay ngunit ang iba o lahat ay may kanya- kanyang kapintasan na ibinigay ng Diyos upang malaman natin ang giawang pagsuway ng ating unang magulang. Yung iba nga'y lumamang lamang sa yaman, talino at ganda ngunit pagnakaharap na tayo sa Panginoon sa langit lahat tayo ay pantay-pantay.
-- Maricel Villarama, 16 yrs. old, Mandaluyong City
K4-12: Ito ang napili ko dahil kahit ano man ang itsura mo o kung gaano ka man katalino ay kung masama ang iyong kalooban ay bale wala pa rin ito sa Diyos. Mas mahalaga pa rin ang kalinisan ng kalooban at magandang dangal ng pagkatao. Sa paningin ng Diyos tayong mga tao ay pantay-pantay kaya wala dapat ipagmalaki o ipagmayabang pa.
-- Maricel M. Maccatiggay, 5-F Abellas Compd. Mandaluyong City
K4-11: Sinasabi na lahat ng tao ay pantay-pantay. Sa yaman, ganda o materyal lamang maaring mahihigitan ang isang tao dahil ito ay hindi importante. Ang iba dito'y nabibili ng salapi. Ang pagkatao ng isang tao ay hindi nahihigitan ng anumang bagay dahil ang pagkatao ay isang dignidad na tanging taglay. Mahirap man dapat natin itong gawin dahil ang Panginoon ay pantay-pantay tayong ginawa at pantay-pantay din Niya tayong binibigyan ng biyaya at tinitinan ng pantay.
-- Marissa Porteria, 15 yrs. old
K4-10: Malaki ang kinalaman nito sa aking buhay at lalong lalo na sa aking pagkatao. Hindi lang sa akin, kung hindi rin sa lahat ng tao sa aking kapaligiran. Karamihan sa atin ay mahilig magtanong lalo na kung hindi natin kayang unawain ang nakikita ng ating mga mata. Ako, tuwing nakakaramdam ng lungkot at pagbubugnot lagi kong tinatanong sa aking sarili bakit ganito ang aking pakiramdam. Bakit iyong iba matalino, mas matalino kaysa sa akin? Bakit siya may ganyang klase ng ganda, bakit ako pangkaraniwan lang ang itsura? Bakit ako laging gipit sa pera, bakit siya hindi? Puro bakit? bakit? at bakit? pa. Marahil dala na rin ito nang pagkainggit. Lagi ko kasing iniisip ang kahigitan ng kapwa ko sa akin. Kaya nga sa bandang huli ako rin ang talo, ako rin ang nasasaktan sapagkat iniisip ko na "unfair" ang buhay. Ngunit may kaibahan din naman ako sa iba, sapagkat ang ibang tao, iniisip nila na mas higit sila sa akin. Lalo na kung nakahihigit sila sa lahat ng bagay. Nakakainis dahil masyadong mayabang. Napili ko ito dahil ngayon ko lang naintindihan na mali ako sa aking iniisip. nais kong isigaw sa lahat na tama kayo sapagkat talaga namang pantay-pantay tayong lahat. Maputi man o maitim lahat tayo ay pare parehong nilikha ng Diyos at inilagay sa mundong ginagalawan natin sa ngayon. Oo, mas mayaman sila kaysa sa akin, oo mas maganda at matalino, nahihigitan nila ako diyan. Ngunit kaya ba nilan higitan ang aking pagkatao,... hindi. Kahit ano ang iyong gawin hindi mo kayang higitan ang pagkatao ng iyong kapwa. Ito ang isa sa ibinigay ng Diyos sa tao at depende na sa tao kung lalagyan ito ng mantsa at dumi o kaya pagagandahin upang maging kalugod lugod sa Kanya. Ako bilang isang tao, iniisip ko pa rin naman paminsan minsan kung gaano ko nga ba pinahahalagahan ang aking pagkatao. Sapagkat ito ang tanging pinakamahalaga na hindi mapapantayan ninuman o ng anuman dito sa lupa. Dahil ang pagkatao ang ang malinis na pagkatao ang siyang linilinya sa akin nhg tuwid sa akin ng tuwid sa kanila. Naisip ko mahirap mamantsahan ang pagkatao dahil napakahirap nitong linisin. Kahit ang pinakamagalingt na sabon. Kaya ngayon pa lang kumilos ka na sabay tayong kumilos para sa ikakikinang ng ating PAGKATAO tulad ng pinakamamahaling hiyas at ginto. Hindi ka naiiba, pare-pareho tayo.
-- Annie Lou P. Benliro, 362 J.P. Rizal St. Mandaluyong City
K4-9: Sinasabi nito na ang lahat ng sangkatauhan dito sa mundo ay pantay-pantay sa karapatan. Kung may mayaman at mahirap sa mata ng Diyos at ayon sa itinatadhana ng batas ng tao, ang lahat ng tao ay pantay-pantay maging salat man ang isang tao, maitim man ang kulay nito maging masama man siya. Maisasabuhay ko ito sa pamamagitan ng paggawa nito sa araw- araw. Wala akong pipiliing tao na bibigyan ko ng karapatan at ako rin, bibigayn ko ng sapat na karapatan ang aking sarili. Tulad ng karapatan nila at maginag ang pagkatao nila.
-- Mark Milane P. Sogno, 74 Blk. 35 Welfareville Compd. Mandaluyong City
K4-8: Napili ko ito kasi hindi naman kailangan ang pisikal, ang kailangan ay nasa puso upang hindi makasakit ng kapwa o sa karunungan ng ibang tao. Minsan kasi ang karunungan ay nakagugulo.
-- Blessie de Tejada, 12 B. Eucalyptus St. Western Bicutan Taguig Metro Mla.
K4-7: Para sa akin lahat ng tao ay pantay-pantay. Mapamayaman o mapamahirap. Ngunit sa pagkatao, sa karapatan ay pantay-pantay.
-- Sonia Ragasa, Lot I-A-1 Rainbow Ave, Munting Bahayan Pinagbuhatan Pasig
K4-6: Lahat tayo ay ginawa ng Diyos na pantay-pantay. Walang sinuman ang maykarapatan na makapanghahamak o makapang alipusta sa akin o sa kapwa ko. Hindi sa kaibigan ako, o nagtratrabaho ako para sa kanya ay may karapatan na ang ibang tao sa aking pagkatao, at kaya ng gawin ang kung ano mang gusto niya na labag sa aking kagustuhan. Ang ganda, yaman, at dunong ay hindi batayan ng pagkatao. Ang mabuting asal, malinis na puso at isipan ang tanging yaman na hindi mahihigitan kailan man ng anong halaga.
-- Terie Misa, Pasig City
K4-5: Napili ko ito dahil minsan o kadalasan ay nagiging mapagmataas ako sa bahay at minsan naman ay sa klase dahil sa may karunugnan ako sa pagkanta at minsan namay sa klase at napagtatantu ko na ito pala ay nagiging dahilan kaya minsan ang mga tao ay nagkakainggitan. At kapag ako naman ang na lamangan sa ibang bagay ayaw kung magpadaig pero ayaw kong masabing naiingit ako. Pero sa klase ay alam ko naman kung saan ako marunong o hindi, kaya magmula ng mabatid ko ang teyorihiyang iba-iba ang karunungan ng tao ay pinipilit kung huwag maaingit at manginggit.
-- Angelita Gonzales
K4-4: Sa ngayon mas kinikilala at tinitingala ang mga taong mayroong kulay na puti at isinasang tabi na lamang ang mga taong mayroong maiitin na balat. Ito ay pinili ko sapagkat nais kong ipahayag sa lahat na tayo ay nilikha ng Diyos na pantay-pantay. Maaaring makahigit ang isa sa dunong ngunit iyan ay kaloob ng Diyos. Hindi dapat ipagmayabang ang dunong na natamo mo sapagkat iyan ay kanya lamang pahiram. Maaaring mas mayaman ang isa ngunit hindi iyan ang ang tinitignan nang nasa itaas sapagkat kung ikaw ay kukunin Niya ang mga kayamanan mo ay hindi mo na madadala. Ang kayamanan mo sa langit ang binibilang Niya. Ang kagandahan mong angkin ay lupa lamang. Darating ang panahon ang kagandahan mo ay unti-=unting mawawala. Maaaring makahigit ang isa sa mga materyal na bagay ngunit kailanman ay hindi mahihigitan ang pagkatao. Sapagkat ang mga materyal na bagay ay nawawala ngunit ang pagkatao ng isang tao ay mananatili magpakailanman. Halimbawa natin ang ating mga bayani. Sila ay kinilala hindi dahil sa kanilang dunong, yaman at ganda bagkus sila ay ating kinilala dahil sa pagkatao nila.
-- Emmanuel Pajaron Address, 48- A Countryside Subd. Mandaluyong City
K4-3: Lahat ng taong nabubuhay sa mundo at nilalang ng Diyos ay dapat na pantay-pantay ang karapatan. Mapatungo man kung saan kinakialangan ay maging patas, sa hustisya, katarungan, karapatan, kalayaan, pagtingin o pakikitungo ng kapwa sa iyo. Hindi dapat kinakailangan ang mga taong mararangya lamang sa halip ay mas dapat kilingan ang mga taong wala o mahihirap dahil sila ang mas nangangailangan ng tulong at pagkalinga mula sa kapwa. Pero ang nangyayari ngayon ay mas nagiging makapangyarihan ang pera ng mga mayayaman at hindi ang hustisya ng mga mahihirap. Kaya kaming mga kabataan ay nagtatanong at nag-iisip "kung ngayon palang ang buhay ay wala nang halaga o ang hustisya ay wala ng halaga, ano pa kaya pagdating ng mga susunod na henerasyon na susunod sa amin. Baka sa susunod ang lahat ay hindi na magtiwala sa batas o hustisya. Dahil ang nangyayari sa ngayon ay mas nananaig ang pera ng mayayanam. Sana maibalik ang pagiging pantay-pantay ng bawat maamamayan at sana'y mapansin mabalingan din ito ng ating pamahalaan.
-- Jett Dimaguila, 719 P. Gomez St. Mandaluyong City
K4-2: Lahat ng tao ay pantay-pantay. Maging ikaw ay isang Pilipino, Hapon, Intsik... Kahit saang lahi ka pa nanggaling, tayo'y mga taong may kanya-kanyang karapatan. Iwaksi ang pagiimbot. Matutong tanggapin at hanapin ang iyong lakas at kahinaan. Hindi na kailangan pang ikumpara ang sarili sa iba, ito ay sa dahilang iba si Pedro kay Juan at iba si Juan kay Pedro. Huwag kang mabahala sa kulay ng iyong balat, sa tangos ng iyong ilong o sa tikas ng iyong pangangatawan. Sapagkat ang lahat ng ito ay panlabas lamang, mabahala ka sa tinatakbo ng iyong kalooban sapagkat dito pumapaloob ang iyong pagkatao. Madaling maging tao ngunit mahirap magpakatao. Ngunit aanhin mo naman ang isang bagay na napakahirap matamo, matibay naman at panghabang buhay.
-- Lovelyn P. Obenanio, 30- B Mariveles St, Mandaluyong City
K4-1: Napili ko ito sapagkat ito ay nasasalamin sa pang araw araw kong pamumuhay. Hindi dahil sa may kaitiman ang kulay ng aking balat, kundi dahil sa ngayon ay nawawala na ang kulay ng tunay na Pilipino--kayumangging kaligatan. Sari-saring produktong kemikal ang naglalabasan; upang maging kulay Europea daw ang mga Pilipino. Lalo na ang mga Pilipina sila ang pinaka naimpluwensiyahan ng kulay ng mga kanluranin. Hindi nila man lamang naisip na mas nangingibabaw ang kagandahan sa kaibuturan ng puso. Hindi dahil ikaw ay kulay Europeo o lahing Europeo ay masasabi mo nang higit ka sa lahing Pilipino o sa kapwa Pilipino. Sa katunayan, ay mas higit pa nga sa yaman, talino at ganda ang mga Pilipino, kulang lang sa pagpapahusay nito. At mas lalo nang maipagmamalaki ko ng taas noo na ang ating lahi ay mas mataas ang dignidad at pagkatao sa mga kanluranin. Anuman ang kulay ng lahi, ang pinagmulan ay di dapat husgahabn ang tao. Ang kulay ng balat ay panlabas lamang. Ang pagkatao ay hindi makikita sa kulay ng balat; itago mo man ito sa tulong ng "Black & White o Extraderm" lalabas at lalabas pa rin kung gaano ka kaganda at ang pagkatao ma na tunay na sumasalamin sa iyong buhay. Huwag nating pag abalahan ang pagtatago ng kulay ng balat, marapat na mas pagtuunan ng pansin ang pagpapakita na ang Pilipino ay angat sa lahat.
-- Anna Lyn O. Manalo, 912 Claro Castaneda St.
Mandaluyong City
..
|
|
<< balik sa website opening window balik sa Kartilya Forum opening window >>