Kartilya ng Katipunan, Aral Blg. 6 (K6)"SA TAONG MAY HIYA, SALITA'Y PANUNUMPA..""To a (person) of honor, his(/her) word is a pledge." (Translated by the late Paula Carolina S. Malay) |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom. We seek your responses.)
K6-10: Ang katagang ito ang tumawag sa aking pansin. Sapagkat aking namamalas sa mga taong bayan ang pagkawalang isang salita. Maging sa mga kataastaasan tulad ng pamahalaan hanggang sa pangkaraniwan ay mga walang paninindigan sa mga binitiwang salita. Halos lahat ay "plastik" at "pakitang tao" lamang.
-- Rafael L. Deblois, Blk. 34, Lot 16 Kabisig, Cainta, Rizal Province: Dita, Gubat, Sorsogon Bicol
K6-9: Sa bawat salita at panunumpa sa kapwa ay dapat mong tuparin. Sapagkat ang isang sumpa ay sagrado at ito'y tumutukoy sa iyong pagkatao. Kung hindi mo kayang gawin ang isang tungkulin o responsibilidad. Huwag mong pilitin ang iyong sarili, at bago magbitiw ng isang pangako makailan itong isipin upang hindi ka masira o makasira o makasakit sa grupo o kapwa. Tulad ng sa panahon natin ngayon, marami na ang nakukulong sa wikaing "Pilipino Time" na hindi at maling pagkakaila sa mga Pilipino. Ngunit ang ilaw ay nanatili rito. Ang di pagsipot sa tamang oras na pinagkasunduan ay isa sa halimbawa nito. Mahalin mo ang dapat salitang bibitawin, tuparin mo ang anumang sinumpaan.
-- Ruel Marayag, 4-A Papa Village, Tambak Taguig
K6-8: Pinili ko ito dahil ito ay makahulugan at napapanahon. Sinasabi nito na matatawag ang isang tao na may hiya kung marunong siyang tumupad sa mga pangako. Ang pagkakaroon ng iisang salita ay isang ugaling dapat taglayin ng bawat isa. Ang mga taong hindi nagtataglay nito ay mga walang kahihiyan. Para na kasing panloloko ito kung hindi natin tutuparin ang ating pangako. Mahahawig ito sa aking buhay sa paraang paminsan- minsan ay nakakapangako ako ngunit hindi ko nagagawa. May iba't-iba akong dahilan kung bakit hindi ko ito nagagawa batay sa kung anong sitwasyon.
-- Ronald Capa, 124 C. Fernando St. Mandaluyong City
K6-7: Ito ang napili ko sapagkat para sa akin; ang bawat salitang binibitiwam ng isang tao ay napakahalaga sa kausap niya. Ang bawat oo at hindi na sasabihan mo ay repleksyon ng iyong pagkatao sapagkat dito malalaman kung may pagpapahalaga ka sa sarili mo. Halimbawa, kapag nasabihan mo ang isang tao ng "oo" at pumayag ka, malaki ang tiwala ng taong iyon na tutuparin mo ang pangako mo. Kapag ang pangakong ito ay hindi mo naisagawa at natupad, nasisiguro kong mawawalan ng tiwala ang taong ito sa iyo. Hindi na siya maniniwala sa mga sasabihin mo sapagkat ikaw na mismo ang nag alis ng tiwala niya sa iyo. Kaya mas mabuti siguro kung ang bawat salitang bibitiwan mo ay pagisipan mo muna ng mabuti upang makasiguro ka sa iyong desisyon. Ang gagawin ko, bago ako magbigay ng pangako sa iba ay pag-iisipan ko muna ng mabuti ang aking desisyon at panindigan ko ang bawat salitang binitiwan ko upang huwag mawalan ng tiwala sa akin ang taong pinangakuan ko.
-- Katherine Casuga, 7687 Coronado St. Guadalupe Viejo Makati City
K6-6: Ang ibig sabihin nito ay kung ang tao ay may hiya. Lahat ng sinasabi nito ay katotohanan dahil kung siya ay nagsisinungaling at nalaman ng ibang tao siya ay mapapahiya.
-- Paul Bryan Torres, Blk II Lot 26 Phase I EP Village, Taguig M.Mla.
K6-5: Lubhang malalim ang nais ipahayag sa atin ng nasabing aral ng Katipunan sa Kartilya. Hindi lamang ang pagtupad sa mga nabitiwang salita ang nais nitong ipahayag sa ating lahat. Gusto rin nitong ipamulat sa bawat isa sa atin ang pagkakaroon ng "Palabra de Honor" ng isang tao. Napili ko ito pagkat ito ay isa sa mga mabubuting kaugalian na dapat nating taglayin. Kaugaliang di dapat kalimutan at ipagwalang bahala. Maganda rin itong panggising sa mga taong nanunungkulan sa gobyerno na walang ginawa kundi paikutin tayong mga mamamayan sa pamamagitan ng matatamis na salita at pangako na pawang mga kasinungalingan lamang. Mga politikong puro salita at wala namang gawa. Politikong sagana sa pangungurakot. Maganda rin itong maging pamandyan para sa bawat isa sa atin. Sapagkat kadalasan sa ating pakikisalimuha sa ating kapwa ay nakakalimot tayo sa tunay na halaga ng salitang ating binibitiwan. Kadalasan din tayo ay nakalilimot sa pagiging matapat sa ating kapwa ay nakalimot tayo sa tunay na halaga ng salitang ating binibitawan. Minsan tayo ay nangangako subalit atin namang di tinutupad ito hanggang humantong sa pagsisinungaling upang matakpan ang nagawang pagkakamali. Makatutulong din ito upang ating higit na maunawaan ang pagpapahalaga sa damdamin ng iba, dahil kung marunong kang magpahalaga sa iyong kapwa at sa kanyang damdamin at may pagpapahalaga ka rin sa iyong sariling dangal iiwasan mong makasakit ng kalooban ng iba dahil nga sa di mo pagtupad sa iyong salita. Tunay ngang maganda ito pagkat nakakatulong ito sa ating pagkatao at personalidad at magpapalalim ito ng ating pagtingin sa ating kapwa. Subukan natin isabuhay ito pagkat siguradong di tayo magsisisi pagdating ng panahon.
-- Karen E. Santos
K6-4: Ito ang napili ko sapagkat para sa akin kung ikaw ay taong may paninindigan ang bawat salita na namumutawi sa iyong bibig ay may kalakip na katotohanan. Kung baga ang mga sinasabi mo ay pinaninindigan mo. Parang ikaw ay nasa mataas na gusali at may hawak na bulak at isa-isa mong pinalilipad. Ganito din ang salitang binibitiwan mo hindi mo na mababawi o mauuulit pa dahil nasabi mo na ito. Kung kaya anuman ang nais nating sabihin ay siguraduhin nating maykatotohanan at kaya natin itong panindigan.
-- Ritchell Illustrisimo, 729 Sta. Ana St. Plain View Subd. Mandaluyong City
K6-3: Napili ko ito dahil sa ako'y isang taong madalas na hindi tinutupad ang binitiwang salita. Dahil dito minsan ay nakasasakit ako ng kalooban. Ginagawa ko ito dahil sa akin ito'y isang biro lamang. Pinili ko rin ito dahil gusto kong ibalik ang tiwala ng iba kong kasamahan na wala ng tiwala sa akin. Kung ikaw ay may taong may hiya dapat ay tuparin mo ang pangakong sinabi mo dahil maaaring magalit ang taong pinangakuan mo kung ito'y hindi mo tutuparin.
-- Lloyd Jay A. Mangupag
K6-2: Ibig nitong ipahiwatig na ang taong nagtataglay ng dignidad, etika, hiya at rangal ay may isang salita at dangal sa kanyang mga sinasabi na kanyang tutuparin o susundin bilang isang sumpa o panalangin. Sapat nang dahilan upang ito'y aking piliin, dahil naniniwala ako na ang taong may respeto sa sarili ay isang tutoong tao na may respeto sa ibang tao.
-- Patrick Anthony G. Pilande, 14 yrs. old, Bataan
K6-1: Kaya ko ito napili dahil minsan itong aral na ito ay hindi ko nagagawa dahil sa ilang mga kadahilanan. Minsan pag umo-o ako sa isang bagay ay nakakalimutan ko kaya pinili ko na ito para naman pag isinumpa ko na gagawin ito ay talagang hindi ko ito kakalimutan. Itong aral na ito ay pipilitin kong gawin sa abot ng aking makakaya.
-- Salve Caneza, 471 Blk 27 Welfareville Compound,
Mandaluyong City
..
|
|
<< balik sa website opening window balik sa Kartilya Forum opening window >>