Kartilya ng Katipunan, Aral Blg. 7 (K7)

"HUWAG MONG SAYANGIN ANG PANAHON; 

ANG YAMANG NAWALA'Y MANGYAYARING MAGBABALIK;  

NGUNIT PANAHONG NAGDAAN NA'Y 

DI NA MULI PANG MAGDADAAN."

"Don't waste time; lost wealth can be retrieved, but time lost is lost forever."

(Translated by the late Paula Carolina S. Malay)

(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom. We seek your responses.)


K7-11: Napili ko ito dahil sa alam kong bawat isang segundo ay may ibig sabihin. At alam ko ring ang bawat ito ang magbibigay tagumpay sa akin. Dahil sa bawat segundo ay maaari akong makagawa ng bagay na mabuti na hindi ko inaasahan. At maaari akong makatulong sa aking kapwa kung ito'y irarapat ko sa oras na kailangan. Ngunit ang nagawa mong hindi mo gusto'y hindi mo na maibabalik ngunit ito'y maitutuwid mo pa. Nangangako akong irarapat ko sa oras ang mga dapat kong gawin.

-- Joy Marinette O. Layag, FEU Elementary School

K7-10: Ito'y naging aral sa akin at nagsilbing daan upang ang mga bagay na di ko nagawa noon ay maisagawa ko na ng maayos ngayon. Ang mga araw ko noon na aking sinayang at lumipas na, ay di na kailanman maibabalik pa. Kung sana'y aking pinahalagahan ang mga araw na iyon. Wala na sana akong nasayang na sandali at panahon sa aking buhay.

-- Jeneth C. Vicada, Phase II Blk.14 Lot 8, Villa Cuana Sn. Juan Cainta Rizal Province: Ilo-Ilo City

K7-9: Ang numerong napili ko ay may kaugnayan sa salawikaing "Time is Gold". Ibig sabihin nito ay yung pagpapahalaga natin sa panahon. May mga bagay sa sarili natin na pinag-aaksayahan natin ng panahon kahit hindi impurtante at ang pagsasabukas ng mga bagay na maaaring gawin ngayon. Halimbawa nito ay tungkol sa pagsisi natin sa ating mga nagawang kasalanan, na nagkaroon ng pagkakataon na talagang inilaan sa iyo upang pagsisihan ay ipagpapabukas na lang. Sayang ang pagkakataon na maaaring bukas ay hindi mo na magawa dahil binawi na Niya ang iyong buhay. Dapat tayo ay gumawa ng mabuti, huwag nating aksayahin ang buhay natin, dahil maaaring bukas ay hindi na natin masusumpungan ang araw na nagdaan, maaaring bumalik ang mga pagkakataon ngunit ang panaho'y hindi man muling magbabalik. Ito'y maykaugnayan sa mga ginagawang pagmamahal ng magulang sa kanilang anak na hindi ginagantihan ng mabuti kundi pasakit lamang ng kalooban. At ng mawala ito'y hinanap ang pagmamahal ng magulang na di-binigyan pansin. Sayang kung noon ay sinimulang magmahal sa taong nagmamahal, ngunit kahit anong gawin, kahit magkaroon ka pa ng ilang mamahalin, diba't sayang ang nagdaan sa buhay na kahit na manumbalik sa ala-alay hindi na maibabalik ang panahong nagdaan.

-- Ulyn Lariosa, Blk 1 Lakas-Tao Assn. West Floodway Brgy. San Andres, Cainta Rizal, Magsaysay, Dinagat Surigao del Norte

K7-8: Ito ay napili ko, dahil malaki ang kaugnayan nito sa aking buhay. Isa ito sa mga nagpamulat sa aking pag-uugali, dahil mas pinahahalagahan ko ang materyal na bagay kaysa sa aking mga magulang, kapatid at kung minsan sa aking sarili. Sa pamamagitan nito napagisip ko na kailangang galangin ko ang aking mga magulang, kasi habang lumalaon tumatanda na sila at hindi ko rin maikakaila na mawawala rin sila sa buhay ko. Paano na kapag dumating ang panahong iyon, hindi ko naman masasabi na lagi na lang akong aasa sa kanila, at laging magpapgabigat. Kaya ngayon habang may panahon pa matututo at uumpisahan ko nang magpahalaga at gumalang sa kanila, para maramdaman naman nilang mahal ko sila bilang aking mga magulang. Hindi ko muna papansinin ang luho dahil magbabalik rin naman ito sa akin balang araw. At ang paggalang sa magulang ay mapapahalagahan ko magpakailan man.

-- Mary Grace Gamudiano, Blk 19 Everlasting St. Brgy. San Juan, Taytay Rizal, Ilo-Ilo City

K7-7: Ang oras ay ginto na pinag-iingatan kaya't hindi dapat sayanging ng sinuman. Ang bawat panahon ng ating buhay ay napakahalaga kaya't dapat ito ay igugol sa tamang paraan. Sa oras na ang panahon ay masayang na di-makabuluhan,ito'y di na maaaring maibalik sapagkat ang nagdaan ay nag daan na hindi na mauulit at maaaring balikan. Ito ang napili ko sapagkat sa mga unang panahon, ako ay naging pabaya sa maraming bagay, marami akong nasayang na panahon na sa bandang huli ay aking pinagsisisihan. Kung minsan pati ang kaunting panahon na dapat igugol sa Diyos ay napapabayaan ko na rin. Ang panahon ko'y kadalasang iginugugol ko sa libangan o kaya'y walang kabuluhang bagay. Kung ang yaman na nawala ay maaari pang ibalik sa pamamagitan ng pagiging masipag at matiyaga, ang oras at panahon ay hindi kaya't dapat igugol sa wastong paraan tulad ng pagmamahal sa Diyos, kapwa at bayan.

-- Vilma D. Mojon, 63-5 A.T. Reyes St. Mandaluyong City

K7-6: Pinili ko ang aral na ito sapagkat may pagkakahawig ito sa aking "motto" sa buhay, "Ang magagawa ngayon ay huwag ng ipagpabukas pa." Para sa akin napakahalaga ng oras. Ang panahon ang hinihintay natin at hindi ang oras ang maghihintay sa atin. Patuloy lang ito sa pagtakbo. Ang panahon ay hindi na maibabalik pa, kaya ang bawat segundong ginagawa natin ay makakatapos tayo. Kaya't pinili ko ito dahil mahalaga ang oras sa mga tulad kong maraming gawain. Maisasabuhay ko ito sa pamamagitan ng bawat oras ko sa bahay ay hindi ko na sasayangin sa mga walang kwentong bahay. Tatapusin ko muna ang gawain ko saka lang ang paglilibang, pamamasyal at panonood ng telebisyon.

-- John Ryan Babadilla, 845, 9 de Pebrero St. Mandaluyong City

K7-5: Ang linyang ito ang aking napili dahil ako bilang isang estudyante at anak ng Diyos ay nagpabaya sa oras ko na kinapapalooban ng maraming oportunidad. Opportunidad na minsan lamang dumating. Ang mga linggo ay pinalampas ko ang misa at mga pagkakataong pinadaan ko dahil sa katamaran, kayabangan at kapabayaan ko. Nais kong isabuhay ang kartilyang ito dahil gusto kong baguhin ang mali kong nakagawian. Gusto ko ring huwag ng sayangin ang lahat ng binigay Niya sa akin.
-- Domingo S. Alvin,
14 yrs. old, Kalibo, Aklan

K7-4: Pinili ko ito dahil ito ay naranasan ko. Noong mga panahong hindi ako nag aral ay marami akong bagay na hindi nakuha ngunit ngayon patuloy man akong magaaral iniisip ko pa rin na kung nag aral ako noon pa ay nakakatulong na sana ako sa aking mga magulang ngayon. Ang buhay natin ay walang permanenteng oras kaya ang makabubuti at nararapat na gawin ay kung may mga bagay man na dapat ng gawin ay gawin na, nang sa huli ay walang pagsisisihan.

-- Rowena Ramboy, 841 Int. 3, 9 de Pebrero St. Mandaluyong City

K7-3: Nais iparating nito na hindi dapat sayanging ang mga panahon at oras na nagdaan dahil ito ay mahalaga. Ang mga nangyari sa atin nung nakaraan ay hindi na maibabalik pa kaya ang mga dapat nating gawin habang maaga pa ay dapat ng maumpisahan para maraming bagay na nagugugol sa ating oras at panahon. Para rin maiwasan ang mga pagsisisi at pagkakamali dapat na pag-isipan ang mga dapat gawin dahil kung nadaanan na ito ng panahon hindi ito mapapalitan at mababago pa.

-- Loreta Balasabas, 753 Int. 3, 9 de Pebrero St. Mandaluyong City

K7-2: Kaya ito ang napili ko dahil sinasabi rito na huwag nating sayangin ang bawat panahon na dumarating sa atin dahil sa mga yamang nawala na ay maaaring magbalik pa pero ang panahong nagdaan ay di na muling maibabalik pa. Ang mga bagay na maaari nating gawin ay ating gawin na dahil para pagdating ng araw ay hindi tayo magsisisi. Gaya ng pagkasira ng ating mga kalikasan, ang mga yamang ito ay maibabalik pa kung tayo ay magkakaisa na paunlarin ulit ito pero ang panahon na sinayang natin at pagwawalang bahala sa ating mga kalikasan ay hindi na maibabalik. Ang mga aksidenteng nangyayari ay dahil din sa ating kapabayaan bunga ng ating pag wawalang bahala. Sa ating pag-aaral, marami ang ating panahon sa hindi magagandang bagay at kung dumating ang araw ng pasahan ng anumang proyekto ay doon nagsusumikap gumawa.

-- Rosalyn S. Encozo, 2820 Blk XI, Welfareville Compound, Mandaluyong City

K7-1: Ang aking buhay ay ibinigay ng Diyos upang mabigyang halaga ito at mapaglingkuran ang aking kapwa sa sandaling ang panahon ay dumating na. Dito sa mundong ating ginagalawan, nasasabak tayo sa iba't-ibang gawain para sa ating araw-araw na pamumuhay; ngunit tama ba na sayangin natin ang panahon na natitira pa? Oo, inaamin ko sa sarili ko na minsan ay hindi ko kayang gawin ang responsibilidad sa kapwa ko dahil naaaksaya ito sa mga walang halagang mga bagay. Nanghihinayang nga ako sa mga biyayang natatanggap ko na di ko akalain na mangyayari iyon dahil hindi ko iyon binibigyan ng kakulang pansin at ang mga panahong magbibigay sa akin ng oportunidad na makapagpasalamat sa mga biyayang ito. Ngunit ang pinakamahalaga ay ang paggawa ko ng kabutihan sa kapwa ko na masasabi ko na hindi ko ganap ng nagampanan. Ang tanging masasabi ko lang ay sana hanggat maaga ay nakagawa ako ng kabutihan at ako'y nagsisisi dahil huli na ang lahat dahil hindi na muli itong mababalik pa. May kasabihan nga tayo "Time is Gold", na ang ibig sabihin ay ang oras ay mahalaga sa bawat gawa, kilos, damdamin na ating isinasabuhay pera sa pang araw-araw at para sa ating kapwa.

-- Mark Anthony C. Calmerin, 46 P. Cruz St. Barangka Ibaba, Mandaluyong City

..

 

Please participate in 'Sanib-Sinag' (synergy of minds), through

'CYBER TALK-BACK' in selected SanibLakas webpages:

(Webmaster will mount your response in the appropriate page in this particular site.)

<SANIBLAKAS CYBERSERVICES is a special services project of SanibLakas Foundation>

 

 Ano naman ang sarili mong tugon sa aral na ito, kung mayroon?

Pangalan mo at palayaw::

Posisyon: 
Organisasyon, Opisina, Skwela o Barangay:
Mailing Address, E-mail Address, Fax No. & iba pang contact numbers:

 background na personal  (may kinalaman sa tugon):

Ipadala sa WEBMASTER -->

<< balik sa website opening window      balik sa Kartilya Forum opening window >>