Kartilya ng Katipunan, Aral Blg. 8 (K8)"IPAGTANGGOL MO ANG INAAPI; KABAKAHIN ANG UMAAPI..""Defend the oppressed and fight the oppressor." (Translated by the late Paula Carolina S. Malay) |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom. We seek your responses.)
K8-5: Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin ang umaapi. Napili ko ito dahil sa ngayon, talagang dumarami ang taong mapanlait at mapagmataas dahil sa kanilang magandang katangian o kayamanan. Dapat ay maging kakampi nila tayo dahil ang mga taong umaapi ay parang isang demonyo na sumisira sa lakas ng isang nilalang. Kung ang inaapi ay mahina at walang lakas ng loob at tiwala sa sarili, madali silang mapapabagsak ng umaapi dahil wala silang kabakas o kamay upang mapaglabanan ang pang-aapi nito. Halimbawa, minsan ay may dumaan na pilay sa harap namin, nagtatawanan ang mga kasama ko at ang sabi nila ay may namamalo na naman. Dapat ay bigyan pa natin ng lakas ng loob ang pilay upang magkaroon siya ng lakas ng loob para ipagpapatuloy pa ang kayang buhay at hindi kaawaan ang kanyang sarili.
-- Charles C. Eugenio, 15 yrs. old, 234 Daang Bakal St. Mandaluyong City
K8-4: Napili ko ang aral na ito dahil ito ay napapanahon. Makikita natin sa ating kapaligiran ngayon ang umiiral na hustisya, hindi na makatarungan. Marami na ngayong mga nakukulong ng walang kasalanan. Minsan naman yung mga may sala ang napapawalang sala. Tulad na lamang ng pamilya Advincula na talagang naatig ang puso ko dahil sa sila na nga ang namatayan sila pa ang hindi nagkamit ng hustisya. Biro niyo, kung sa inyo nangyari ang bagay na ito ano kaya ang mararamdaman ninyo. Kaya nga ito ang napili ko, para paglaki ko magaabogado ako para ipagtanggol ang naaapi at kalabanin ang umaapi. Salamat din kay Mr. Ed Reyes at Kuya Jhun Aycocho dahil nakapagpahayag ako ng pananaw ukol sa aking napiling aral ng Katipunan.
-- Armela Chua, 417- A Baranka Drive St. Mandaluyong City
K8-3: Tayong lahat ay may pananagutan sa Diyos, sa sarili at sa ating kapwa kayat tungkulin din natin na pangalagaan ang karapatan ng bawat isa. Lahat tayo ipinanganak na pantay-pantay ang karapatan kaya't walang dapat maapi at magpa api. Ngunit sa pagkalubog ng mundo sa kasalanan ay lumaganap ang kaapihan ng marami at walang ibang paraan kundi ang kalabanin ito ng matuwid at walang dahilan upang hayaan nating ipagpatuloy ng mga mang aapi ang kanilang gawain. Lansangin ang kaapihan para sa tunay na pagkapantay-pantay.
-- Jean Zyra M. Natividad, 16 yrs.old, 785 Coronado St. Hulo Mandaluyong City
K8-2: Sa panahon ngayon takot na ang mamamayan na ipaglaban ang kanilang karapatan at kung ipagtatanggol nila ay yung mga taong nasa mataas na posisisyon ang humahadlang. Paano ipaglalaban ang naapi? Sana mangibabaw ang pagmamahalan sa lahat ng tao sa mundo kasi alam nila ang pagmamahalan ngunit mahina o hindi nila ito maisabuhay, bakit kaya? at kailangan pa rin ang paguunawaan dahil ito ang pangalawang kailangan natin.Kung mayroon lang tayo nito wala na sanang kaguluhan at wala na sanang umaapi o nanglalamang sa kapwa at hindi na sana kailangan ang mga leader natin, dahil ngayon ay masasabi na puro kaguluhan at kadumihan sa bansa ang nangingibabaw. Kailangan maging matalino ang lahat ng tao upang maibigay ang pagmamahal at pag-uunawaan ng bawat-isa. Kinakailangang matauhan ang tao sa mundo upang wag mangibabaw ang inggit sa kapwa na nagbubunga ng pasakit sa mga mahihirap dahil sa kasakiman.
-- Mylene Orillaza, 38 Natib St. Mandaluyong City
K8-1: May dalawang uri ng tao, ang inaapi at umaapi. Marami sa mga inaapi ang aking tutulungan at bibigyang proteksyon buhat sa mga nang-aapi. Lalabanan ko at tuturuan ko ng leksyon sa pang aaping kanilang ginawa. Maisasabuhay ko ito sa pamamgitan ng di-pagkampi at pagpanig sa mga masasama. Sisikapin kong matulungan ang naaapi. Hindi sa pamamagitan ng pag away sa nang-aapi subalit ipapakita kong sila ay mali.
-- Hilbert C. Garlando, 664 Lerma St. Vicencio
Cor. Mandaluyong City
..
|
|
<< balik sa website opening window balik sa Kartilya Forum opening window >>