Kartilya ng Katipunan, Aral Blg. 9 (K9)

"ANG TAONG MATALINO'Y ANG MAY PAG-IINGAT SA BAWAT SASABIHIN; MATUTONG IPAGLIHIM ANG DAPAT IPAGLIHIM."

"The wise man is careful in all he has to say and is discreet about things that need to be kept secret."

(Translated by the late Paula Carolina S. Malay)

(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom. We seek your responses.)


K9-4: Ang masasabi ko lang dapat sa isang matalino ay hindi na dapat sabihin na wag nang ipagsabi o ipagkalat ang isang lihim. Ang taong may talino ay iniisip kung ano ang kakalabasan ng pagsasabi ng isang lihim. Dapat din niyang taglayin ang pagkokontrol sa dila. Isipin mo muna ang bunga at dulot sa pagbibitaw ng isang salita.

-- Nestor Altarejos, Taytay, Rizal Province: Sorsogon

K9-3: Ipinapahiwatig nito na sa isang taong matalino nararapat lamang na alam niya ang kanyang ginagawa, sinasabi o iniisip. Dapat niyang isaalang-alang kung may masama ba itong ibubunga o wala. Kung may masasaktan man o matatamaan. Kung may kahalagahan man o wala. Dapat ay iwasang magbitiw ng masasamang salita. Dapat ay mapagkakatiwalaan ka ng iyong kapwa.

-- Jackie Lou N. Lanuzo, Blk 8 Lot 19 Exodus Floodway Taytay, Rizal Province: Nabua, Camarines Sur, Bicol

K9-2: Ipinahihiwatig nito na malalaman mo ang taong matalino sa salita pa lamang dahil ito'y puno ng pag-iingat at marunong maglihim ng dapat at alam niya ang bawat sasabihin. Halimbawa na lang kung kung ikaw ay pinagsabihan ng isang lihim na hindi dapat mabunyag kanino man dahil ikaw ang pinagkakatiwalaan niya kailangan mananatiling lihim kasi kung matalino ka, alam mo ang mangyayari at kahihinatnan nang ginagawa mo.

-- Hannah D. Pascual, Blk 13 Lot 1 Floodway Taytay, Rizal Province: Pigcawayan, North Cotobato Mindanao

K9-1: Sinasabing ang dila raw ang pinakamasalang bahagi ng katawan ng tao. Sapagkat maraming mga salitang lumalabas sa ating bibig na magbubunga ng mga kasalanan. Sa aking sarili, ang mga bagay na hindi dapat malaman ng ibang tao ay nalalaman pa rin na nagdudulot ng kapahamakan ng iba. Ang mga lihim ay dapat na manatiling lihim sapagkat ito ay natatanging sikreto na dapat ay ikaw o ako lamang ang nakakaalam. Napili ko ito sapagkat may mga bagay na hindi na dapat malaman pa ng iba sapagkat nagdudulot lamang ito ng kasalanan o kaguluhan para sa ibang tao. Kung matalino ka dapat ay isipin mo muna kung ano ang makakabuti para sa iyo at para sa ibang tao.

-- Janice S. Marquez, 15 yrs. old, San Juan, Batangas

..

 

Please participate in 'Sanib-Sinag' (synergy of minds), through

'CYBER TALK-BACK' in selected SanibLakas webpages:

(Webmaster will mount your response in the appropriate page in this particular site.)

<SANIBLAKAS CYBERSERVICES is a special services project of SanibLakas Foundation>

 

 Ano naman ang sarili mong tugon sa aral na ito, kung mayroon?

Pangalan mo at palayaw::

Posisyon: 
Organisasyon, Opisina, Skwela o Barangay:
Mailing Address, E-mail Address, Fax No. & iba pang contact numbers:

 background na personal  (may kinalaman sa tugon):

Ipadala sa WEBMASTER -->

<< balik sa website opening window      balik sa Kartilya Forum opening window >>