...............
Ang DAKILAHI:
FILIPINOS
FOR LIFE ay isang pandaigdigang
samahan ng mga Pilipino.
Ang DAKILAHI:
FILIPINOS
FOR LIFE ay isang website
na may panawagan at misyon.
Nagkaroon
po ng ilang mahalagang
mga pagbabago, kaya't kailangan ang muling
pagpapakilala
Isa-isahin natin ang mga ito…
Samahan:
Ang DAKILAHI:
FILIPINOS
FOR LIFE ay pandaigdigang samahan
ng mga Pilipinong…
...............
-- may pagmamalaki sa pagka-Pilipino, di lamang
batay sa mga kadahilanang sentimental;
...............
-- nakadaramang sila ay mananating 'Pinoy
habambuhay!'; at
...............
-- nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa
pagmamahal sa buhay, sa integridad, sa pag-aangat ng Pilipino at sa pagpapalakas
ng taongbayan (love for Life, Integrity, Filipinism and the people's Empowerment
o LIFE), at nakahandang mag-ambag ng kanilang mga kakayahang pantao at
materyal (human and material resources) sa isang pagsasanib na makapagsusulong
sa mga simulaing ito.
Ang DAKILAHI: FILIPINOS FOR LIFE ay itinatayo bilang ISANG MALAKING PAMILYA para
sa iyo, para sa ating lahat, upang magamit na daluyan ng pagbabahagian
ng mga balita, impormasyon, kuro-kuro, payo, at kahit mga pampalakas-loob
na mga inspirasyon mula sa lahat ng dako. Hindi tayo mauubusan niyan!
Ang gagaling yata ng Pinoy! Nalulungkot ka? Pasasayahin ka
ng samahan. Ikaw ba'y tuliro? Pumili ka sa matatanggap mong mga payo
kung alin ang gusto mong sundin. Naiinip ka? Maghuntahan tayo o kaya'y
magkwentuhan. May gusto kang ipagdasal? Sasabayan ka namin. May ipapahanap
ka? Susubukan nating makita. Nangungulila ka? Narito kaming
lahat, at baka maiugnay ka pa namin sa gusto mong makaugnay.
Ang dami yata natin! Idagdag pa ang lahat ng mga koneksyones ng SanibLakas
sa iba't ibang lugar, sektor at network sa loob ng Pilipinas at sa ibayong-dagat.
At dahil malaking pamilya nga tayo, magtutulungan tayong makaahon ang marami
nating mga kapatid ng Pilipino na nasa gipit na kalagayan. May dalawang
paraan diyan-- una, yong direkta. Hihingi kami ng tulong para sa mga nasalanta
sa mga kalamidad, halimbawa'y bagyo, pagguho ng lupa (o ng tambak ng basura),
sunog at iba pa. Ang isa pang paraan ay ang pagtustos sa mga programa
at proyekto ng SanibLakas Foundation na nagsusulong ng sariling mga kakayahan
ng mga mamamayan upang mas makayanan nilang umangat nang sama-sama, umasa
sa sarili, at mangalaga sa kapaligiran.
Ito ang mga pagsisikap para sa Life na Buhay, at "L.I.F.E." din bilang
Love for Life, Integrity, Filipinism at Empowerment. Ang lahat ng
itutulong mo ay idedeklara natin sa publiko (maliban kung may bilin kang
huwag itong ibunyag), at ipapaalam sa inyo nang ganap at malinaw kung saan
nagtutungo ang iyong mga iniambag. Ang minimum na hihingin
bilang membership fee o annual membership dues ng regular na kasapi ay
P100 kung nasa Pilipinas, at US$3 kung nasa labas ng Pilipinas. Ang minimum
namang hihinging ambag bawat taon ay P200 kung nasa Pilipinas o US$5 kung
nasa labas. Labas dito ang tustos sa mga babasahin at mga souvenir.
Sampung ulit ng mga ito ang hihinging minimum sa bawat sustaining member
at bawat sumasaping samahan, korporasyon o institusyon.
Bawat kasapi ay tatanggap ng mga komunikasyon
at kaloob mula sa Samahan, tulad ng ID, mga babasahin, at sari-saring souvenir.
Magkakaroon din ng mga seksyon sa ating website na para lamang sa mga miyembro.
ANG SINUMANG INTERESADONG
MAGING KASAPI AY MAGPADALA NG MENSAHE SA AMIN SA PAMAMAGITAN NG filipinos4life@yahoogroups.com
UPANG MAPADALHAN NAMING NG APPLICATION FORM. SALAMAT PO!
Website:
Ang DAKILAHI:
FILIPINOS
FOR LIFE
ay isang website na may
panawagan at misyon.
Ang panawagan: 'Ikarangal ang pagka-Pilipino!'
At ang misyon nito ay tumulong na makapagbigay-kaalaman
na maaaring matanggap ng lahat ng Pilipino saanman sa daigdig upang makapagbigay
sa kanila ng mas matingkad na damdamin ng pagmamalaki at mas malapit na
pakikipag-ugnayan sa ating pamilyang bansa.
Idinisenyo ang website upang sa lalong
madaliug panahon ay makapagdala ng lahat ng sumusunbod:
.......
........1)
bago at ibinalik na mga webpages mula sa dating website ng Kamalaysayan
(Kampanya para sa Kamalayan sa Kasaysayan), na nagbibigay ng inspirasyon
mula sa mayamang pamana ng ating mga ninuno;
.......
........2)
webpages na nauukol sa mga kasapi ng samahang ito, at nagtatampok sa kanilang
ibinabahaging mga pahayag tungkol sa damdamin ng pagmamalaki sa pagka-Pilipino,
pananatiling malapit sa kabuuang pambansang pamilya ng mga Pilipino sa
Pilipinas at sa ibayong-dagat, at sa pagtulong na maisulong ang mga simulang
"LIFE";
.......
........3)
mga paliwanag ukol sa mga kasapi -- mga karapatan at pribilehiyo, tungkulin
at pananagutan, at proseso ng aplikasyon at pagtanggap;
.......
........4)
mga ulat ukol sa mga proyektong buo o bahaging pinondohan ng mga kontribusyon
mula sa mga kasapi ng asosasyon;
.......
........5)
forum pages para sa pagtatalakay ng iba't ibang paksa sa ilalim ng temang
pagbubuo ng bansa at ng kolektibong pagmamalaki at kinikilalang misyon
bilang bansa;
.......
........6)
batayang impormasyon ukol sa bansa at sa mamamayang Pilipino, upang mapagsanggunian
ng mga mag-aaral at iba pang mga taong nagnanais makaalam;
.......
........7)
pinakahuling mga balita mula sa websites ng pangunahing mga arawang pahayagan
sa Maynila;
.......
........8)
mga artikulo at larawan ukol sa kapaligiran at sa sining ng mga Pilipino;
.......
........9)
pinakahuling mga ulat sa iba't ibang pagsisikap sa pagbubuklod ng mamamayan
na isinasagawa ng SanibLakas ng Taongbayan Foundation, na siyang tagapagtatag
ng DAKILAHI: FILIPINOS
FOR LIFE.
.......
........10)
bukas na mga pahina para sa maikling mga personal na pagbati at mga anunsyo;
.......
........11)
aktibong weblinks sa maraming iba pang websites ng mga Pilipino;
.......
........12)
at marami pang iba!
Hanggang sa maabot ng aming kakayahan, ang
bawat teksto rito ay magkakaroon ng mga bersyon sa Pilipino at sa English,
maliban na lamang sa mga sagot at komentaryong magmumula sa mga kasapi
ng asosasyon at bisita sa website na pananatilihin namin sa lenggwaheng
ginamit nila (Filipino, English o "Tag-lish")
Ilang Mahalagang Pagbabago
Unang-una sa mga pagbabago ay ang pagdagdag
at pagtampok pa nga ng katagang "DakiLahi"
sa ating pangalan. Marami
ang nagsabi sa amin na hindi bagay sa samahan at website na ito ang pangalang
nasa wikang English. Kaya't naglagay tayo sa unahan nito ng isang bagong
katagang maglalarawan sa ating kinakatawan at minimithi nating mapalakas pa:
ang ating dakilang lahi. Hindi naman tayo magiging racist, basta't ang
kadakilaan ng ating lahi ay hindi natin ipakikipagpaligsahan sa ibang lahi.
Samantala, mahalaga sa katangian ng samahang binubuo ang maraming
kahulugang nakakarga sa pariralang "for LIFE" kayat pinananatili
natin ang "Filipinos for LIFE" sa buong pangalan.
Pangalawang
pagbabago ay ang pagkakaroon na natin ngayon ng isang e-mail group na may
address na filipinos4life@yahoogroups.com na magagamit ng ating mga kaanib
nito upang magtalastasan sa isa't isa. Ang makalalahok po sa talastasan
iyon lamang mga kababayan nating nasa amin na ang e-mail address.
Humigit-kumulang 300 katao po ito sa iba't ibang kontinente (may
nagpaabot na ayaw nilang maisama rito, at agad naman naming tinanggal kaya't
di na sila kasama sa bilang). Kung may rekomendado po kayong isali
natin ay ipaabot n'yo lang sa amin ang kanilang e-mail addresses sa
pamamagitan ng e-mail group natin o sa pagsagot sa feedback box.
At
pangatlo, sa ating website, tulad ng iba pang websites na pinangangasiwaan ng
SanibLakas CyberServices, ay mayroon na tayong "Cyber
Talk-Back" Feedback Box sa gawing ibaba ng paparami sa mga pahina,
katulad ng nasa ibaba ng pahinang ito. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga
tugon dito, maipapaabot na ninyo sa amin o sa partikular na mga taong
sumusulat ng mga artikulo ang inyong mga pagsang-ayon o pagsalungat sa mga
punto. Mahalaga ito sa malaya at masiglang talastasan.
Pagtulung-tulungan sana natin upang magawa
ang lahat ng ito!
Sa diwa ng bayanihan, kayang-kaya kapag sama-sama!
DAKILAHI: FILIPINOS
FOR LIFE is a worldwide network
of
Filipinos…
DAKILAHI: FILIPINOS
FOR LIFE is a website
with a call and a mission…
There have been certain
changes, requiring this new introduction
Let us tackle these one by one...
The Network:
DAKILAHI: FILIPINOS FOR
LIFE is a worldwide network of
Filipinos…
-- who are proud of being Filipinos
for reasons much more than sentimental;
-- who feel they want to be and actually
plan to be 'Filipinos forever!'; and
-- who love Life and stand for Integrity,
Filipinism and the people's Empowerment, and are willing to regularly contribute
their human and material resources to a synergy of such resources to advance
these ideals.
DAKILAHI: FILIPINOS FOR
LIFE is being organized as ONE
BIG FAMILY for you, and for all, which we can use as channel for the exchange
of news, information, opinions, advice, and even inspiring confidence-boosters
from all over. We cannot run out of those! Ang gagaling yata ng Pinoy!
You sometimes feel sad? This organization will cheer you up.
Confused? You will receive many suggestions to choose from. Bored?
Let's talk. You want to pray for something? You may invite us to join you.
Looking for something? We can try to help you find it. Lonely?
We'll be here for you. We might even be able to link you up with those
you want to get in touch with. We will be a REALLY BIG FAMILY, counting
in the growing contacts of SanibLakas Foundation in various places, sectors
and networks in the Philippines and overseas.
And because we are going to be a BIG FAMILY, we would be able to extend
assistance to those of our fellow-Filipinos who are really in dire need.
There are two ways for this. First is direct aid. We would be asking for
contributions for victims of various calamities and disasters, like typhoons,
landslides (or even garbage slides), fires and the like.
The other way is to support SanibLakas Foundation programs and projects
that help build the capabilities of the people so they could collectively
uplift and empower themselves, to be self-reliant and to conserve the environment.
These are the efforts for Life in Nature, and also "L.I.F.E." as Love for Life,
Integrity, Filipinism and Empowerment. There will be an open public
reporting of all contributions received and what projects these have funded,
unless we are told that the donor prefers to remain anonymous. We
will be asking from every regular member a membership fee or annual membership
dues of P100 if in the Philippines and US$3 if abroad. Minimum annual
contribution to be asked of each member is P200 if in the Philippines,
and US$5 if abroad. The figures are ten times higher in the case
of sustaining members. Excluded from these are payments for publications
and souvenir items.
Every member will receive communications and gifts and other items from
the association, like an ID card, readings and various souvenirs.
There will also be sections of our website that would be for the exclusive
use of members.
ANYONE WHO IS
INTERESTED TO JOIN MAY REQUEST FOR AN APPLICATION FORM VIA filipinos4life@yahoogroups.com.
THANK YOU VERY MUCH!
The Website:
DAKILAHI: FILIPINOS FOR
LIFE is a website with a call and
a mission…
The call is: 'Be Filipino and be proud!'
And the mission is to or help supply
information that Filipinos anywhere in the world can access to help them
feel a stronger sense of pride and a more intimate sense of connectedness
with the nation, with the homeland.
This website has been designed to eventually
carry all of these:
1) new and revived pages from the earlier
website of the Kamalaysayan (Kampanya para sa Kamalayan sa Kasaysayan),
providing points of inspiration from our people's rich heritage;
2) webpages pertaining to members of the association,
highlighting their testimonial sharings on feeling proud as Filipinos,
on maintaining the closest ties with the broad Family of Filipinos in the
homeland and overseas, and on helping advance any or all of the LIFE
ideals;
3) explanations on the network's members --
rights and privileges, duties and responsibilities, and process of application
and acceptance;
4) reports on the projects fully or partially
funded by contributions from members of the network;
5) forum pages for discussions of various
topics under the theme of nation-building, sense of national pride, and
collective sense of mission;
6) basic information on our country and people,
for reference by students and other interested persons;
7) current updates from links to websites
of Manila's major dailies;
8) articles and photo galleries on the Philippine
environment and art scene;
9) current updates on the synergism- and partnership-building
efforts of SanibLakas ng Taongbayan Foundation, organizer of DAKILAHI:
FILIPINOS
FOR LIFE.
10) free-for-all pages for short personal
greetings and announcements;
11) a gallery of active links to many other
Filipino websites;
12) and many others!
As much as we can, every all texts here
will be prepared in both Filipino and English versions, except responses
and comments submitted by association members and by website visitors which
will be retained in their original form (Filipino, English o "Tag-lish").
Some Significant Changes
Foremost
among the changes has been the addition, even highlighting, of the coined word
"DakiLahi" (for
"dakilang lahi" or great race) to our name. We have
received comments from all directions that a name in the English language is
not fit for this organization and website. For this reason we brought to
a place of prominence in our name a word that would express a collective
character of greatness that we seek to embody and enhance. We will not turn
racist for as long as our collective claim to greatness is not brought up to
compete with other races. Still, the phrase "for LIFE"
carries many interlinking meanings, so we are keeping "Filipinos for
LIFE" in our full name.
Another
significant change, or progress, is that we now have an e-mail group
with the address filipinos4life@yahoogroups.com which our network members have
started using to discuss among themselves. Access is limited to those
whose e-mail addresses are with us, but these cover about 300 e-mail addresses
in the various continents (after immediately removing those who have asked to
be delisted) If anyone of you wants to recommend Filipinos for
inclusion, please give us their e-mail addresses through our e-group or
through the feedback box.
That's
the third change. Our website, like the other websites designed
and/or managed by SanibLakas CyberServices, has started to have the
"Cyber Talk-Back" Feedback Box in a growing number of its webpages.
Through this you may immediately respond with agreement, disagreement or
questions to authors of the articles here. This is important for free
and active discussions and sharings. (Scroll down a little and you'll see
it)
Let us all help one another to achieve all
these!
With synergy in the spirit of the bayanihan,
we can do it!
.