.. |
Mas Matatag Nating
Ipahayag:
'Ipagmalaki
ang Pagka-Pilipino!'
-- Isang Editoryal,
Agosto 7, 2000
ISANG BUONG buwan na ang nakalilipas magmula
noong Hulyo 7, 2000, ika-108 taong kaarawan ng pagkakatatag ng Kataas-taasang
Kagagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan,
nang ilunsad namin ang website na ito, na idinisenyo upang maging isang
"natatanging tahanan" ng milyun-milyong Pilipino sa buong daigdig.
.
..........Ang
FILIPINOS
FOR LIFE ay nilalayong maging
pandaigdigang network at "cyber-home" ng lahat ng mga Pilipinong sumasang-ayon
sa islogang "Ipagmalaki ang Pagka-Pilipino!" Inilunsad namin ang proyektong
ito upang tumulong sa ating mga kababayan sa Pilipinas at sa ibayong-dagat
na madama at maisaloob nang mas malalim ang panawagang ito, lagpas sa simpleng
emosyon o pagiging sentimental, at isabuhay ito sa ating isip, salita at
gawa (naaalala n'yo pa ba ang "Panatang Makabayan" natin noon?)
.
..........Sinimulan
namin and isang talakayan (forum) sa temang ito sa pamamagitan ng paglalagay
sa ipinahayag ng isang nangngangalang Herdy Yumul, isang fresh graduate
dito sa Maynila, na nagsabing duda siyang marami ang pipiling maging Pilipino
kung bibigyang ngang talaga ng pagkakataong pumili. Nakatanggap kami ng
tugon sa ganitong desisyon, at ang sabi'y hindi raw dapat isinama ang artikulong
iyon dahil wala naman daw matibay na batayan. Gayumpaman, inilagay
din namin ang isang malaganap (sa mga e-mail) na sanaysay na isinulat ng
dayuhan sa Pilipinas na si Barth Suretsky. Paglaon pa, idinagdag namin
ang pagsusuri ng beteranong manunulat na si Francisco Sionil Jose na pinamagatang
"Why We Are Poor," kalakip ang ilang reaksyon.
.
..........Ngayon,
matapos na ang counter ay makabilang ng di bababa sa tatlong daang website
visits mula sa iba't ibang dako ng daigdig sa loob ng buong buwang kalilipas,
nadarama naming tama ang aming isinagawang panimulang hakbang.
.
..........Inayayahan
namin ang pinakamaraming Pilipinong nakayanana naming maabot na silipin
itong website at magpadala ng mga komentaryo, sa pamamagitan ng limitadong
spasyo sa guest book o sa pamamagitan ng e-mail. Dahil sa paanyayang
ganito, pinanghahawakan man namin ang karapatang mag-edit para kaangkupan
ng paksa, para sa pagpapaikli, at para ituwid ang halatang mga pagkakamali
sa grammar at pagtitipa, walang puwang para sa amin ang magsensor ng alinmang
tugon nang dahil lamang sa di namin pagsang-ayon sa nilalaman nito.
..........Ang
pagpapalitang ito ng mga pananaw ay inilunsad bilang isang talakayan o
forum; at ang isang forum ay magiging mabisa at masigla lamang kung ito
ay patas at malaya. Ang mungkahi namin sa mga may kasalungat na pananaw
ay ang pagsusulat ng sarili naman nilang mga komentaryo. At dagdag
pa ang paalalang ang napaka-emosyonal na mga argumento, laluna ang mga
atakeng personal, ay hindi nakakakumbinse sa mga sinasagot o maging sa
napakaraming tahimik na mga nagbabasa sa mga nakasulat dito. Makapipigil
pa nga ang ganito sa iba na tumugon din. Ang hinihiling namin, kung
gayon, ay simpleng mga pagpapahayag ng mga pananaw at damdaming personal
nang wala ni pagtatangkang palabasin ang mga ito bilang mga unibersal na
katotohanan.
.
..........Marami
na ang gumawa nito. Ang katanungan sa pamagat na "Who Wants Top Be
Filipino" ng isinulat ni Yumul ay nasagot na ng isang sanaysay na pinamagatang
"I Chose To Be Filipino!" At idinagdag namin ang maraming kahawig na sulatin,
kabilang ang ilang matagal nang naisulat ng ilang kaanib ng Kamalaysayan
Writers and Speakers. Nagpapahayag din ng kahawig na mga damdamin ang mga
komentaryong isinulat sa guest book.
.
..........May
mga kaibigang nagsabi sa amin na ang forum na ito raw ay parang "hanging
dirty linen in public." Ang forum na ito ay naglalayong tumulong
na makabuo ng positibong konsensus mula sa deka-dekada nang pagsasagawa
natin ng pambansang pagbira sa sarili sa harap ng buong mundo. At kung
itatapat sa halaga ng malalim na mga insecurity ukol sa kolektibo nating
mga katangian at pagkikilanlan, pwedeng isaisantabi muna ang sobrang mga
pag-iisip tungkol sa ating imahen sa publiko ng daigdig. Kailangan
nating magkaroon ng isang masiglang constructive forum upang mabuo na nga
ang sama-samang pananaw sa ating pagkakilanlan (sense of identity), kamalaysayan
(sense of history) at misyon (sense of mission) bilang isang bansa.
..........Ganoon
din ang naging pananaw ni Rizal nang isulat niya ang Noli Me Tangere.
Sinabi niya sa pambungad, na nagpapaliwanag sa pamagat,
na inilalantad niya sa daigdig ang panlipunang kanser ng Pilipinas noong
kanyang panahon, upang may "makapagmungkahi ng maigagamot." Noon
ay nananawagan siyang magdaos ng isang pandaigdigang komperensya ukol sa
lipunang Pilipino na dadaluhan ng mga tinaguriang "eksperto" ukol sa Pilipinas
mula sa iba't ibang bansa.
.
..........Sana
ay maging handa tayong makatanggap ng sari-saring pintas o pagpuna
sa mga katangian ng mga Pilipino, sapagkat magagawa naman nating kapaki-pakinabang
ang karamihan sa mga ito, at may ilan pa nga sa mga pintas o pagpunang
ito na may batayan sa katotohanan.
.
..........Sa
forum na ito, ang pangunahin nating hinahangad na makalap ay mga pananaw
ng mga Pilipino ukol sa temang napaka-Pilipino, sa isang pandaigdigang
talastasan ng mga Pilipino sa buong mundo tungkol sa pagiging Pilipino,
bagay na hindi pa nagaganap sa ating buong kasaysayan sa nakaran. Talagang
kailangan nating makuha ang mga pananaw ng mga kababayan natin sa ibayong-dagat,
sapagkat sila ang araw-araw na nakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng ibang
bansa at kultura. Kaya ginagamit natin ang teknolohiya ng Internet para
sa pagsisikap na ito. At dahil sa kailangang-kailangan din natin ang mga
pananaw at damdamin ng ating mga kababayan dito mismo sa ating lupang tinubuan,
naghahanda kaming maglunsad ng isang pambansang programa sa radyo na itatambal
sa forum na nasa website.
.
..........Lagpas
pa sa makapangyarihang pagtatambal ng cyber-media at radyo, mananawagan
pa kami na magdaos ng masigla ngunit mahinahong mga talakayan sa mga tahanan,
paaralan, pabrika, kabukiran, tindahan, tanggapan, at iba pang lugar, na
responsableng pangangasiwaan ng mga sasapi sa pandaigdigang samahang FILIPINOS
FOR LIFE (Love
for Life, Integrity, Filipinism and Empowerment). Ilulunsad namin
ang organisasyong ito sa darating na Agosto 24, 2000, ika-104 na taong
kaarawan ng ating Pagsilang Bilang Bansa. Sa makasaysayang petsang
iyon noong 1896, nahinog na ang gawain ng Katipunan
na buuin sa isang kauna-unahang pagkakahabi ang magkakaibang pamayanan
sa ating kapuluan, at binago ng Katipunan ang sarili mula sa pagiging asosasyon
ng pagtitipon tungo sa pagiging ganap na katipunan, ang kauna-unahang pambansang
estado sa kapuluang ito. Malapit na rin naming ipasok sa webste na ito
ang ugnay (link) sa maraming mga buhay na halimbawa ukol sa angking galing
ng Pilipino.
.
..........Mangangahas
ba tayong tumugon sa hamon? Samakatwid, ipahayag nating muli nang
may mas matatag na pananalig: "Ipagmalaki ang
Pagka-Pilipino!" At magsikap tayong lahat na makapag-ambag ng
lahat nating isip, salita at gawa bilang matibay na batayan ng pagmamalaking
ito.
.
Mabuhay tayong lahat! Mabuhay
sa atin ang dakilang diwa ng ating mga bayani!
Ed Aurelio C. Reyes
Founding President,
SanibLakas ng Taongbayan
Foundation
Managing Director,
SanibLakas Program Thrust
for Human Development and Harmony
at Founding Executive
Director (on leave), Kampanya para sa Kamalayan sa Kasaysayan
Makati City, Agosto 7, 2000
With More Conviction:
'Be
Filipino and Be Proud!'
-- An Editorial, August
7, 2000
A FULL MONTH ago today, July 7, 108th anniversary
of the Kataas-taasang
Kagagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ngBayan,
we launched this website designed to be a "special home" for millions of
Filipinos worldwide. FILIPINOS
FOR LIFE is intended to be
a worldwide network and cyber-home of all Filipinos who can identify with
the slogan, "Be Filipino and Be Proud!" We launched this project
to help all our kababayans in the homeland and overseas to feel and internalize
this call deeply, way beyond mere sentimentality, and validate it in our
thought, word and deed (remember our "Panatang Makabayan" of old?).
..........We
kicked off a forum on this theme by mounting an essay written by one Herdy
Yumul, a fresh graduate in Manila, who doubted that many would really prefer
to be Filipino if real choice were to be given. We received feedback
on this decision, saying that the said article should not have been uploaded
because it lacked merit in fact. Still, we even mounted, as well,
a widely-circulated (e-mailed back and forth) essay on the subject by an
expatriate, Barth Suretsky. Later on, we added the piece of veteran
writer Francisco Sionil Jose, analyzing "Why We Are Poor," along with some
reactions.
..........By
now, with no less than three hundred website visits (from various spots
on the globe) registered by our counter within the full month just past,
we feel that our initial step has been validated.
..........We
have invited as many Filipinos as we have been able to reach to visit this
website and send us their feedback, either through the limited space in
our guest book or via e-mail. Although we reserve our prerogatives to edit
for subject relevance, brevity and decent language and to correct obvious
grammatical and typographical errors, it would therefore be unthinkable
for us to censor any which response just because we do not agree with its
contents.
..........This
exchange of views was mounted as a forum; and a forum can only be effective
and lively if it is fair and free. Our suggestion to those who disagree
or are offended by any which remark here is, and shall remain to be, to
write in their own comments. And we add the reminder that arguments that
are overly emotional, or more so ad hominem, would likely fail to convince
those being rebutted or the many other silent readers who get to read all
these materials, and discourage others from "speaking up." So we
ask for simple articulations of personal views and sentiments that do not
even try to claim universal validity.
..........Many
have actually done this. Yumul's title question "Who Wants To Be
Filipino?" has, in a way been answered with an essay titled "I Chose To
Be Filipino!" And we added many similar items, including some that had
earlier been written by members of the Kamalaysayan Writers and Speakers.
The comments in the guest book are brief expressions of parallel sentiments.
..........Some
friends have told us the forum might be like "hanging dirty linen in public."
To this we say the forum is seeking to help build a positive consensus
from all the public self-flagellation our nation has been engaged in through
all these decades. And in the face of deeply-rooted insecurities about
our collective character and identity, over-concern over our collective
public image may take the back seat. We have to have a lively and constructive
forum to build our collective sense of identity, sense of history and sense
of mission as a nation.
..........Rizal
took the same attitude about "dirty linen" in writing Noli Me Tangere.
He said in the introduction, explaining the novel's title, that
he was exposing to the open view of the world the Philippine social cancer
in his time, so that others might "propose a cure." He was then actually
campaigning for an international conference about Philippine society to
be attended by experts from various nationalities.
..........We
should be prepared to receive many kinds of criticisms of the Filipino
character, because most of these criticisms can be useful and some of them
may even be valid.
..........In
this forum we mainly seek Filipino views on this very Filipino theme, to
be part of a historically unprecedented worldwide discourse among Filipinos
about being Filipino. We really need the views and sentiments of our kababayans
abroad who are in constant interaction with people of other nationalities
and culture, that's why we are using Internet technology for this effort.
And because we also very definitely need the views and sentiments of our
people who are here in the homeland, we are preparing to launch a nationwide
radio program to be tied up with the website forum.
..........Beyond
that powerful tie-up between the cyberspace and radio media, we will be
encouraging lively but sober discussions in the homes, schools, factories,
farms, shops, offices, and everywhere else on this theme, to be responsibly
facilitated by members of the worldwide network called FILIPINOS
FOR LIFE (Love
for Life, Integrity, Filipinism and Empowerment). We will be launching
that organization this coming August 24, the 104th anniversary of the Birth
of Our Nation. It was on that historic date in 1896, when the Katipunan,
at the culmination of its four-year work of weaving together a first-ever
tapestry of diverse communities on these islands, transformed itself from
a simple association for gathering our people ("tipon") and validated
the full sense of its name as the first-ever national state covering these
islands. We sill soon place on this website a link to many living examples
of the very special galing ng Pilipino.
..........Dare
we all join in facing the challenge? Let us therefore say it again,
with more feeling and conviction this time, "Ipagmalaki
ang Pagka-Pilipino!" And let us all try to contribute
our every thought, word and deed to the profound basis of this sense of
pride.
Mabuhay tayong lahat! Mabuhay
sa atin ang dakilang diwa ng ating mga bayani!
Ed Aurelio C. Reyes
Founding President, SanibLakas
ng Taongbayan Foundation
Program Director, SanibLakas
Program Thrust for Human Development and Harmony
and Founding Executive
Director (on leave), Kampanya para sa Kamalayan sa Kasaysayan
Makati City, August 7,
2000
|
.. |