Ikarangal ang

pagka-Pilipino

 

'DakiLahi'
 

       .....


"SANIB-GALING
ng PINOY POWER"
(or  'Hey! We're Great, Even Greater Together!")
.
Pumili po ng wika (Please choose a language): PILIPINO ENGLISH

(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom.)

.
...............

SANIB-GALING! Sino ang magdududang mayroon tayo nito? 
Laganap na ang katotohanang magaling ang Pinoy! Matagal nang bistado ang ating "sikreto." Ang problema lang ay ang kakulangan ng positibong pagkakaisa
..
..........Kung nag-iisa ang Pinoy sa isang sitwasyon, lumalabas ang husay niya. Pero pag marami tayo, at sa pagsasama-sama ay umiiral ang "Kultura ng Alipinas" na nabuo sa atin nang gawin ngang mga "alipin ng Felipe" ang ating mga ninuno, hindi na nagiging magaling. Kung pagmamasdan nga'y hindi mahuhulaang sa kaloob-looban naman ng ating pagkatao, tayo ay isang "Dakilahi" o Dakilang Lahi!  Kailangan nga lamang tayong magkaisa nang mahigpit at  magsanib-lakas sa diwa, layunin at galing!  Hindi ba't matagal na nabuhay ang diwa ng bayanihan sa ating lahi?
..
..........Naniniwala ba kayong buhay pa ang kadakilaan sa puso't kaluluwa ng mga Pilipino?  Kung gayo'y pagtulung-tulungan nating mapalakas at maitanghal ang kadaklilaang ito. 

Kamalayan sa Kasaysayan,
at Pagkilala ng Misyon:
..
..........Lumingon tayo sa libu-libong taong umiral ang ating pagiging Dakilahi bago tayo nasakop ng mga Kastila at naging Alipinas.  Sa lalong madaling panahon ay ipapasok na sa website na ito ng FILIPINOS FOR LIFE  ang maraming artikulo mula sa dating website ng Kamalaysayan (Kampanya para sa Kamalayan sa Kasaysayan).  Mayroon na ngang ilan na bahagi na ng nagaganap na talakayan ukol sa islogang "Ikarangal ang pagka-Pilipino!" (tingnan sa). 
..
..........Makabubuti ring tumanaw tayo sa hinaharap, sa isang mahalaga at positibong misyon na kayang gampanan ng ating bansa sa pandaigdigang komunidad sa kapapasok na Bagong Milenyo. Hindi madaling bagay ang makabuo tayo ng nagkakaisang pananaw kung ano kaya ang maitatadhanang misyon ng mga Pilipinong: (1) may malakas na spiritwalidad, na mile-milenyo nang sa atin ay nakaugat; (2) may kasanayan din sa kultura at teknolohiya ng mayamang mga bansa; at (3) nakakalat sa buong daigdig. 
..
..........Ngunit talagang magiging imposible na makabuo at makaganap tayo sa anupamang misyon para sa Sangkatauhan kung ang ating pagkabansa at katangian ay maglalaho nang dahil sa pag-aaway-away o kaya'y dahil sa bulag na panggagaya sa mga katangian ng ibang bansa.

Website na nakatutok
sa Galing ng Pilipino:
..
..........Kailangan nating maalala ang ilang mga patunay na magaling nga ang mga Pilipino.  At kailangan nating patuloy na dagdagan ang mga patunay na ito.
..
..........Isang website ang nakatutok na sa ganitong pagsisikap. Ito ang Galing.com  na proyekto ni Monching Tengco, Pangulo ng Global3 Internet Holdings Inc.  Basahin natin ang mga "balitang-galing" rito ukol sa bagong mga tagumpay ng mga Pilipino sa buong mundo.  Bisitahin natin nang madalas ang website na  ito. (Simulan na natin ngayon sa pamamagitan ng pagpindot dito --->)

Ilang Halimbawa
mula sa Amerika:
..
..........Ilang pangalan ng magagaling na Pilipino ang natanggap namin sa e-mail mula sa isang artikulo ng Filipino-American Heritage. Kilala ang kanilang mga nagawa, ngunit di nakikilala ng maraming Pilipino na mga kababayan pala natin ang mga ito.  Narito ang anim sa mga pangalang iyon:
.
AGAPITO FLORES -- nag-imbento noong dekadang 1940's ng ilaw na "fluorescent"; 
.
EDWARDO SAN JUAN -- Pilipinong empleyado ng Lockheed Corporation at siyang nagkonsepto noong 1969 ng Lunar Rover or the Moon Buggy, uang sasakyang pinaandar ng NASA sa Buwan; 
.
VICKY MANOLO DRAVES -- Unang babaeng nagwagi ng "high diving" at "low diving" events (naganap sa 1948 Olympics);
.
BEN CAYETANO, gobernador ng Hawaii mula 1994, Filipino-American na may pinakamataas na tungkulin sa pamahalaan ng Estados Unidos.
.
TESS SANTIAGO -- City Mayor ng Delano, unang Pilipinang alkalde sa California;
.
LOIDA NICOLAS LEWIS -- pinuno (CEO) ng pinakamalaking korporasyong Aprikano-Amerikano, ang TLC Beatrice;


Sa Pilipinas, abangan ang paglulunsad ng palatuntunang "Sanib-Galing," isang pagtatambalan ng SanibLakas Foundation, Galing.com, at isang malakas na himpilan ng radyo.

SANIB-GALING! Who would ever doubt that we are capable of that?  It has been widely known -- our "secret" has long been discovered -- that Filipinos are great!  Our problem has been a serious lack in positive unity.
..
...........Alone in a situation,  a Filipino's capabilities would really shine. But once we are many and our grouping is pervaded by the "Alipinas Culture," which we imbibed when our ancestors became "mga alipin ni Felipe," we lose our capabilities. A casual viewer could not possibly guess that deep within our innermost selves we are a great nation we could call "Dakilahi" or "Dakilang Lahi!"  What we need is to develop close and dynamic unity, to synergize in spirit, in purpose, in our collective galing!
..
..........Do you believe that such greatness is still alive in the heart and soul of the Filipino?   If you do, let us help one another in awakening and celebrating this greatness.

Sense of History,
and of Mission:
..
..........Let us look back to the thousands of years that we were unmistakably Dakilahi before we got colonized by the Spaniards and became Alipinas. Very soon, we will be uploading on this  FILIPINOS FOR LIFE  website a substantial number of articles from the old website of Kamalaysayan (Kampanya para sa Kamalayan sa Kasaysayan).  In fact, some have already become part of the current forum on our collective sense of pride, or lack of it.  (click here). 
..
..........It would also be very good if we could look forward to the future, and see our nation pusuing a vital positive mission for the world human community in the New Millennium that we have just enrtered.  It is not a simple task to build a consensuson what precisely would that mission be, that we may have been destined to accomplish. Consider that Filipinos are (1) imbued with strong spirituality, something we have had for many millennia; (well-versed in Western culture and technologies: and (3) spread all over the world. ..
..
.........But it would really be impossible for us to discern and perform any mission for Humankind if our natuionhood and unique characteristics would vanish due to internal conflicts or due to our propensity to blindly imitate other nations. 

A Website focused 
on 'Galing ng Pinoy':
..
..........KWe do have to remember well at least some of the evidence for saying Filipinos are such a terrific people. And we have to continue adding to these proofs..
..
..........There is a website that focuses on such efforts. This is Galing.com published as a project of Monching Tengco, President/CEO of Global3 Internet Holdings Inc.  This site carries updated "Balitang-Galing" news reports on the latest triumphs of Filipinos all over the world.  Let us visit this website often. (Start right now. Please click this--->)

Some Examples
from the States:
...
....BWe received some names of Filipinos who shone in excellence, as listed in an article on Filipino-American Heritage.  Their achievements may have been well-known, but many of us never thought that the these people would be Filipinos:.

AGAPITO FLORES -- inventor in early 1940's of the "fluorescent" lamp; 
.
EDWARDO SAN JUAN -- Filipino employee of Lockheed Corporation and concept inventor in 1969 of the Lunar Rover or the Moon Buggy, the first vehicle run by NASA on the Moon; 
.
VICKY MANOLO DRAVES -- First woman to win the high and low diving events (1948 Olympics). Unang babaeng nagwagi ng "high diving" at "low diving" events (naganap sa 1948 Olympics);
.
BEN CAYETANO, governor of  Hawaii since 1994, the highest ranking Filipino-American in the U.S. government..
TESS SANTIAGO -- City Mayor of  Delano, first Filipina mayor in California;
.
LOIDA NICOLAS LEWIS -- CEO of the biggest African-American owned corporation, TLC Beatrice;


In the Philippines, watch for the launching of the "Sanib-Galing," radio program, a multilateral partnership among SanibLakas Foundation, Galing.com, and a powerful radio station.
.

..

 

Please participate in 'Sanib-Sinag' (synergy of minds), through

'CYBER TALK-BACK' in selected SanibLakas webpages:

(Webmaster will send the SanibLakas response ASAP to your e-mail address)

<SANIBLAKAS CYBERSERVICES is a special services project of SanibLakas Foundation>

 

   After reading this, what are your comments and questions, if any?

Your Name & Nickname::

Position: 
Organization, Office, School or Barangay:
Mailing Address, E-mail Address, Fax No. & other 

contact numbers:

Personal or work background relevant to  the comment or inquiry:

Send to WEBMASTER -->

back to the website opening window