|
(MEN OF THE DEER ) isang tulang alay ni Chin-Chin Gutierrez |
..Mga lalaking usa, nasaan kayo ..Kayo ba'y tinali, hinuling lahat ..At binulag ng gabi ..Kung kaya't 'di makatugon ..Sa tawag ng lahi ..Sino'ng
mamimitas ng mga
. |
..Ang
ating mga ina ay sinumpa
......ng tadhana ...Mga nalalantang mukha ng mga ......amang nalunod ..At ang mga anak ay nanghuhuli ..Ng mga kababalaghan ..Sa mga aninong natutulog ......sa gabi . .."...Gumising ka, giliw ko ..Naghihintay ang buhay ko ..Sa dilim ng iyong lungkot ..Sa anino ng iyong mundo . ..Apoy ng Pagasa ..Gumising ka ..Nais kong malunod ..Sa kanyang mga mata..." .Mga lalaking usa ..Kayo ba'y nasugatan |
.. ..Kayo ba'y babalik ..Mga dalaga'y hindi nakakalimot ..Sa inyong mga iniwang luha ..Na ngayo'y umaapoy ..Sa pinili naming landas ..Na binuo ng buan ng dugo at ......ng karagatan ... ..Habang ginugunita ang nakaraan ..Isang malinis at magiting ......na panahon ..Kami'y maghihintay sa araw ......ng katwiran ..Na sisikat sa inyong pagbabalik . .."...na sisikat sa inyong ......pagbabalik..." ..Iyong
kadiwa't kaibigan,
|
/ Sept. 6, 2000